^

PSN Opinyon

‘Laban! Huwag susuko...’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

MAY ilang gustong wakasan ang kanilang buhay dahil sa simpleng problema lang… subalit sa isang pasyenteng may sakit na kailangan ng panghabambuhay na gamutan, isang  haplos lang mula sa kanilang mahal sa buhay ang dumampi sa kanilang likod may dahilan na sila para isipin ang bukas na parang walang katapusan.

“Natutuwa kami dahil sa hirap ng pinagdadaanan ninyo. Nanatili kayo sa kanilang tabi…para tulungan silang gumaling” ani ‘Atty. Joy’.         

Kaisa ng programa sa radyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang “PUSONG PINOY” ng DWIZ 882 KHZ. Umiere tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga. Hosted by Atty. Jose Ferdinand Rojas II o “Atty. Joy”--- General Manager ng PCSO at ni Ms. Monique Cristobal sa pagtulong sa mga kababayan nating may karamdaman na kinakailangan ng tuluyang gamutan subalit walang kakayahang ipagpatuloy ang kanilang medikasyon.

Ang Kidney Failure ay isa lang sa mga uri ng sakit na kinakaila­ngan ng tuluy-tuloy na pagpapagamot (lifetime medication)… ang dialysis.

Isa na sa lumapit sa “PUSONG PINOY” para sa pang-dialysis si Yolanda Pascasio, 56 anyos--taga Kaunlaran, Cubao, Quezon City.

Inilalapit ni Yolanda sa programa ang kanyang mister na si Edgardo Guiang Pascasio, 57 taong gulang.  

Taong 2010, nang nakaranas si Edgardo ng hirap sa pag-ihi at ma­tinding sakit sa balakang. Dinala sa ospital si Edgardo. Tiningnan ang kidneys ni Edgardo sa  National Kidney Transplant Institute (NKTI).

Nalamang meron siyang End Stage Renal Disease (kidney failure). Pinayuhan na silang sumailalim sa Hemodialysis.    

Dati ng mataas ang ‘Blood pressure’ nitong si Edgardo at ang pag-inom niya ng iba’t-ibang ‘maintenance medicines’ ang maari daw dahilan ng pagkasira ng kanyang mga bato.

Mula Mayo 7, 2010, nagda-dialysis na itong si Edgardo tatlong beses sa isang linggo.

“Sana po ay matulungan n’yo ang asawa ko sa kanyang hemodialysis dahil ito po ay panghabambuhay na gamutan… salamat po,” kahilingan ni Yolanda.

Nakababatang kapatid na si Ediltrudes Bulang, 45 anyos ang inilalapit ni Emilia Sanchez, 48 taong gulang—taga Balintawak, Quezon City.

Dati ng may diabetes itong si Ediltures. Highblood din siya.

Nung minsan nagmanas na lang si Ediltures at tumaas ang kanyang dugo. Dinala nila sa ospital si Ediltrudes at pinatingin sa doktor.

“Tuluyan na kasing lumabo ang mata niya. Nagka-glucoma na rin kaya iniisip naming ipatingin na siya ulit sa doktor,” kwento ni Ediltrudes.  

Nalaman nilang nasira na pala ang mga bato nito at kinailangan niyang sumailalim sa Hemodialysis sa lalong madaling panahon.

Mula buwan ng Abril 2012, tatlong beses sa isang linggo kaila­ngang i-dialysis ang kapatid kaya naman kinakapos na sila sa gastusin nito sa pagpapagamot.

“Nanawagan po ako na sana po tulungan niyo kami dahil lifetime na ang kanyang pagda-dialysis. Hindi na namin kaya ang pagpapa-dialysis pati ang mga injection…salamat po,” panawagan ni Emilia.     

Malaki naman ang pasasalamat ni Ruby Chua. Kasama ni Ruby na nagpunta sa programang “PUSONG PINOY” ang anak niyang si Ruben Chua II, 23 taong gulang na ngayon.

Sampung taon pa lang si Ruben ng ma-diagnose na merong Kidney Failure.

Sumailalim sa transplant si Ruben subalit na-‘reject’ ang kidney inilagay sa anak.           

Muling inoperahan si Ruben buwang ng Desyembre 2009, nasa edad 18 anyos na nun si Ruben.              

Naging matagumpay ang pangalawang operasyon ni Ruben. Sa ngayon patuloy siyang umiinom ng ‘anti-rejection maintenance medicines’ para hindi na muling me-reject ang kidney na kinabit kay Ruben.

“Humihingi po ulit ako ng medical assistance para sa habambuhay na gamot ng aking anak. Maraming salamat po sa tulong na binibigay niyo sa amin … malaking bagay po ito para sa kanyang kalusugan. God bless you always,” wika ni Ruby.

Isa rin sa patuloy na lumalapit sa programa si Ayman Dahmous, 48 anyos may problema sa kanyang kidneys. Taong 2011 pa ng ma-diagnose si Ayman na may kidney failure.

Mula buwan ng Agosto 1, 2011 pinayuhan na siyang sumailalim sa dialysis dalawang beses sa isang linggo.

Ilang taon na ring sumasailalim sa Hemodialysis si Ayman sa Hemotek Renal Center, Abad Santos, Quezon City at ang PCSO ang kaagapay niya sa patuloy na pagpapagamot.

“Humingi ako ng tulong sa programang “PUSONG PINOY” at natutulungan ako para sa aking gamot. Malaki ang pasasalamat ko sa PSCO,” pasasalamat ni Ayman.

“Maraming salamat sa pagtuloy na pagtitiwala ninyo sa aming programang “PUSONG PINOY”. Huwag kayong mag-aalala, hindi kami titigil sa pagtulong sa inyong mga medikal na pangangailangan. Agad naming itong aaksyunan,” pahayag ni Atty. Joy.

Mapapakinggan ang kabuuang istorya nila Ayman, Ruby, Emilia, Yolanda at ng ilang pang pasyenteng lumalapit sa programang “PUSONG PINOY” sa tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga rito lang sa DWIZ 882 KHZ, AM BAND.

SA GUSTONG LUMAPIT SA PCSO, para sa pangangailangang medikal pumunta lang sa tanggapang ng “PUSONG PINOY” sa address sa ibaba o tumawag sa kanilang mga numero… dahil sa programa ni Atty. Joy Rojas lahat ng lumalapit dito ay natututukan at nabibigyan ng mahalagang atensyon.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Bukas kami Lunes-Biyernes. Dalhin niyo lang ang photocopies ng mga dokumentong may kinalaman sa inyong reklamo.

Ugaliing makinig ng CALVENTO FILES sa radyo, ang “Hustisya Para Sa Lahat”. Lunes-Biyernes 2:30PM-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN. Sa DWIZ 882 KHZ AM BAND.

Makinig rin kayo ng programang “PARI KO” tuwing Linggo sa DWIZ 882 KHZ. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Fr. Lucky Acuna at Atty. Joy Rojas II.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

AYMAN

EDGARDO

JOY ROJAS

MULA

PARA

QUEZON CITY

RUBEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with