Trabaho ang kailangan
ANO man ang sabihin tungkol sa pagbuti ng ekonomiya, kung ito’y hindi nadarama ng mga pangkaraniwang tao ay walang silbi. Siguro, ang nakikinabang lang dito ay mga negosyanteng dayuhan na binibigyan ng insentibo para magnegosyo sa bansa. Isama na rin diyan yung mga dati nang super-yaman na mga negosyante sa bansa.
Ano ang saysay ng mataas na credit rating kung ang ordinaryong mamamayan ay kumakalam ang sikmura? Kahit sabihin pang sampung libong dolyar ang per capita income ng bansa, pero kung ito’y concentrated lang sa iilang tao at hindi sumasakop sa buong populasyon, wala ring saysay iyan!
Sabi nga ni Senate President Frank Drilon, maganda ang pagtaas sa kredito ng Pilipinas pero ito’y kailangang maramdaman ng pinakamahirap nating mamamayan.
Ito’y reaksyon sa sinasabing pagtaas ng credit rating ng bansa na ibinigay ng Standard & Poor’s (S & P). Kaya tama si Drilon, at ito’y noon ko pang araw sinasabi. Dapat pagtuunan naman ng pansin ng gobyerno ang tumataas ring bilang ng mga walang trabaho at gawan ito ng paraan.
Marami ring dapat ituwid sa sistema ng pagtanggap ng mga empleyado sa bansa. Sa Amerika, walang sinisino ang mga employers basta’t may kakayahan pang magtrabaho. Kahit mga senior citizens ay tinatanggap sa trabaho basta’t may skills pa at lakas para gawin ang trabaho.
Dito sa atin, binibigyang diin pa sa mga anunsyo sa trabaho ang edad na dapat taglayin ng aplikante.
Nakalulungkot ang unemployment rate na 7.5 percent noong Enero 2014 at 7.3 percent noong 2013. Pinakamataas ito sa buong Southest Asia region, base na rin sa International Labor Organization.
Resposibilidad ng gobyerno na tiyakin na ang mga “fiscal advantages†at benepisyo mula sa mga investment upgrade ay nagagamit para mabawasan ang kahirapan sa bansa at magkaroon ng mga economic opportunities ang mga ordinaryong Filipinos.
Ang tanong ay, kung totoong umuunlad ang ekonoÂmiya, sino ang nakikinabang? Tingnan n’yo nga ang dumaraming bilang ng mga taong natutulog na lamang sa mga bangketa.
- Latest