^

PSN Opinyon

Paigtingin ang mga hakbangin sa paglikha ng trabaho

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

DAPAT paigtingin ng administrasyong Aquino ang mga hakbangin sa paglikha ng trabaho para sa mga mamamayan. Ito ang panawagan ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.

Ayon kay Jinggoy, kailangang maging mas agresibo pa ang pamahalaan sa “job creation measures” lalo na para mga kasalukuyang walang trabaho, gayundin sa bagong graduates na magiging bahagi ng labor force.

Matatandaang noong May 1 ay ipinagdiwang ng bansa ang taunang okasyon ng Labor Day, na itinuturing na isang ispesyal na pagkakataon upang bigyang-pugay at pagkilala ang mga manggagawa, at upang muling suriin ang mga hakbangin ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa usapin ng paggawa.

Base sa Labor Force Survey noong January 2014, ang national unemployment rate ay umabot sa 7.5%, na mas mataas sa naitalang national average unemployment rate noong 2013 (7.1%) at noong 2012 (7.0%).

 Sa survey naman ng Social Weather Stations (SWS) para sa fourth quarter ng 2013 ay naitala sa 27.5% ang adult joblessness, na nangangahulugan umano na may humigit-kumulang na 12.1 milyong Pinoy na walang trabaho. Ito ay mas mataas din sa naitala sa sinundan nitong quarter na nasa 21.7%.

Sa kabila ng mga datos na ito ay mataas pa rin naman ang kumpiyansa at tiwala ng mga kababayan na darami pa ang mga patrabaho sa susunod na 12 buwan, sang-ayon pa rin sa survey ng SWS. Nawa ay maging realidad ang ekspektasyon na ito ng mga kababayan.

Samantala ay binigyang-pansin ni Jinggoy ang napaulat na naging tagumpay ng administrasyon na makapagtala ng impresibong pag-unlad ng pambansang ekonomiya, na isa umano sa pinakamataas na pag-unlad na natamo sa buong rehiyon ng Asya.

Kasunod dapat nito aniya ay ang pangangailangang tiyakin na ang sinasabing pag-unlad na ito ay direktang mararamdaman at mapakikinabangan ng taumbayan.

AQUINO

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

LABOR DAY

LABOR FORCE SURVEY

SENATE COMMITTEE

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with