^

PSN Opinyon

Sayang naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko alam na may taning pala ang operasyon ng Phi-lippine National Railways (PNR). Hanggang sa susunod na buwan lang pala ang charter nito. Limampung taon ang charter, na kailangang amyendahan ng Senado kung magpapatuloy ang operasyon nito. Kaya tatalakayin ito ng Senado bago matapos ang kanilang sesyon sa Hunyo. Kampante naman ang ilang senador na maaamyendahan ang charter. Sayang naman kung hindi maamyendahan.

Marami pa rin ang tumatangkilik sa PNR. Ayon sa datos, 75,000 pasahero ang sumasakay araw-araw. Mas mura raw kasi at tantiyado ang oras dahil walang trapik. Kaya kung matitigil ang operasyon, marami ang babalik muli sa ibang pampublikong transportasyon. Masasabak na naman sa trapik.

Pero itong mga nakaraang buwan ay sunod-sunod din ang mga aksidente sa riles ng PNR. Mga nasasagasaan at nasasagi. Pero tandaan na may takdang daanan ang tren, at hindi ito makakalihis kung may nakaharang. Kapag nakabuwelo na, hindi basta-basta mahihinto. Kaya responsibilidad din ng tao ang lumayo sa riles ng tren para hindi malagay sa peligro. Hindi nga dapat pinapayagang tumira sa tabi ng riles at delikado. 

Kung mapapalawig ang charter ng PNR ng 50 taon muli, planong ibalik ang orihinal na ruta mula La Union hanggang Legaspi City. Dadagdagan pa ng mga ruta hanggang Sorsogon, Batangas Port at Tuguegarao. Malaki pa rin ang silbi ng tren. Kaya sa ibang bansa, hindi nawala ang serbisyo ng tren sa publiko. Mas moderno pa nga ang mga tren ng ibang bansa tulad ng Japan, Germany at France. Mga mabibilis tumakbo, gamit ang pinakabagong teknolohiya. Kung mapapalawig nga ang PNR, kailangan din itong dumaan sa rehabilitasyon. Dagdagan ng mga bagong tren at iretiro na ang mga luma.

Kailangan na rin talagang alisin ang mga nakatira sa tabi ng mga riles. Bukod sa peligro sa kanila, ginagawa rin nilang basurahan ang mga dumadaan na tren. Kapag dumadaan ang tren, binabato nila ang mga plastic ng basura sa mga bubong nito. Kaya nga binago ng PNR ang disenyo ng kanilang mga bubong para hindi na matapunan ng basura. Pero bakit pa kailangan gawin iyan, hindi ba? Mahirap talagang intindihan. Kulang ang maging isang paran ng transportasyon ang PNR, kailangan maging basurero na rin. Wala sa kanilang charter iyan! 

 

BATANGAS PORT

KAPAG

KAYA

LA UNION

LEGASPI CITY

NATIONAL RAILWAYS

PERO

TREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with