^

PSN Opinyon

‘Kalidad na trabaho’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KAPAG pinag-uusapan ang trabaho,  unang pumapasok sa isip, mga manggagawa.

 Kahapon, Araw ng Paggawa. Tulad ng inaasahan at nakagawian na tuwing a-uno ng Mayo, marami ang naglulunsad ng kilos-protesta.

 Sila ang mga maliliit na tao na walang disenteng trabaho, walang disenteng sweldo kaya wala ring disenteng pamumuhay.

 Dalawang taon at isang buwan nalang ang natitira sa termino ni Pangulong Noy Aquino. Marami ang mga nag-aasam na sana ilaan ng administrasyon ang natitirang panahon sa paglikha ng trabaho.

 Laging ipinagmamalaki ng pamahalaan ang tiwala ng mga banking community sa Pilipinas tulad ng bansang Amerika. Humahanga sila sa integridad ni PNoy at tiwalang bumaba ang korupsyon at katiwalian sa kaniyang termino.

 Sapat na sana ito para mamuhunan ang mga dayuhang imbestor sa bansa kung walang sangkaterbang mga kurakot at tiwaling nakapaligid sa pangulo.

 Mga amuyong ni PNoy na walang ibang ginawa kundi ipagmayabang ang kanilang mga nagawa o accomplishment report.

 Subalit ang malaking katanungan, nasaan ang kalidad na trabaho? Ito ba ay ramdam at nakikita ng tao? 

Naniniwala ang BITAG Live na turismo, agrikultura, Overseas Filipino Workers (OFW) at Business Process Outsourcing (BPO) ang pag-asa ng ekonomiya ng bansa.

 Kung gaano kalaki ang mga pondong inilalaan dito lalo na sa sektor ng turismo at agrikultura, dapat nasasabayan din ito ng pag-eempleyo o paglikha ng trabaho.

Kung wala sanang mga kurakot sa mga tanggapan ng gobyerno, partikular dyan sa DOTC na malaki ang papel na ginagampanan sa pag-unlad ng ekonomiya ganundin ang Bureau of Finance at Board of Investment na masyadong mahigpit sa pagbibigay ng mga tax break at tax incentive sa mga dayuhang imbestor, lalakas ang sektor ng paggawa.

 Aanhin natin ang tiwala ng mga dayuhang bansa sa ating pamahalaan kung hindi naman nararamdaman ng mga nasa ibaba ang epekto nito?

 Ang kalidad na trabaho na may kalidad na sweldo ang magbibigay ng disenteng pamumuhay sa mga mamamayan.

 Ito ang dapat malaman ng mga nakaupo sa pamahalaan.

 Abangan ang Bitag Live na sabay na napapakinggan at napapanood araw-araw tuwing alas-10:00 -11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

vuukle comment

AANHIN

BITAG LIVE

BOARD OF INVESTMENT

BUREAU OF FINANCE

BUSINESS PROCESS OUTSOURCING

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PANGULONG NOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with