^

PSN Opinyon

“Eto ang isa pa, Mayor”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

NAGIGING popular ang pangalan ni Mayor Belen Fer­nandez ng Dagupan. Popular sa pagiging magaling na Mayor? Popular sa pagiging single Mayor? o popular sa mga kasong nagpapatung-patong?

Nagpasyang magretiro si Manuel Guttierez bilang ‘assistant executive’ ng Dagupan City Office of the Mayor dahil sa kanyang karamdaman noong Hunyo 2013. Kasalukuyang may sakit noon ang Mayor ng Dagupan na si Mayor Benjamin Lim kaya’t ang tumatayong Mayor ng mga panahong yun ay ang kanyang bise na si Mayor Belen T. Fernandez.

Sa kabila ng kanyang karamdaman, pinilit ni Guttierez na makompleto ang mga requirements at clearances na hiningi sa kanya para makuha ang benepisyo.

Kabilang dito ang mga sertipikasyon mula sa General Ser­vices Office, Legal Counsel Office, Treasurer’s Office, City Accountants Office, Postal Bank at Landbank of the Philippines. Hindi umano naging madali sa kanya ang paglakad ng mga ito dahil siya’y may sakit na ngunit nagtiyaga pa rin siyang kunin ito.

Matapos maipasa ni Gutierrez ang lahat ng hinihingi sa kanya bigo pa rin siya sa pagkuha ng mga benepisyo. Hindi umano ito inaksiyonan ni Mayor Fernandez kahit noong nahalal na ito bilang Mayor ng Dagupan.

Hindi nawalan ng pag-asa si Gutierrez at patuloy pa rin siyang nag-follow up mula Hulyo hanggang Nobyembre 2013 sa mga dapat niyang matanggap. Sumulat na rin umano siya kay Mayor Fernandez upang humingi ng tulong tungkol dito.

“Paulit-ulit akong nagfollow-up sa inyong opisina at ang iyong mga kawani ay walang malinaw na sagot kung bakit ang aking separation pay ay hindi maibigay,” pahayag ni Gutierrez sa kanyang liham.

Humingi rin ng tugon o paliwanag si Gutierrez tungkol sa usaping ito ngunit hindi umano sumagot ang opisina ng Mayor at patuloy lamang na naipit ang kanyang benepisyo.

Sa kadahilanang ito, kasong paglabag sa RA 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act ang isinampa ni Gutierrez laban sa Mayor ng Dagupan na si Mayor Belen T. Fernandez.

Maliban sa kasong kriminal naghain din ng reklamong admi­nistratibo si Gutierrez tungkol sa pag-ipit umano sa kanyang mga benepisyo kabilang ang kanyang separation pay. Ito ay bilang paglabag sa RA 9485 o Anti Red Tape Law.

Kung totoo lahat ng inirereklamo nitong si Gutierrez ang pang iipit na ginagawa umano nitong si Mayor Fernandez hindi kaya may basehan ang ibang mga nagrereklamo na silay ginigipit ni Mayor Fernandez?

Matatandaan na minsan na naming naisulat sa aming pitak ang tungkol sa Mayor na nanggigipit sa ilang negosyo ng AMB ALC Holdings Management Corporation. Pinamagatan namin itong “Ginigipit ni Mayor (?)”.

Una na silang naghain ng kasong RA 3019, Grave Misconduct at Conduct Grossly Prejudicial to the Best Interest of the Service laban sa Dagupan City Engineer na si Ms. Virginia V. Rosario sa Luzon Ombudsman.

Kinatawan ni Mr. Benjamin Ramos ang AMB ALC Holdings Management Corporation. Isinumite nila ang lahat ng mga dokumentong makakapagpatunay ng kanilang akusasyon.

Nakitaan ni Mr. Ramos ng sapat na batayan upang isama sa reklamo ang Mayor ng Dagupan. Sa karagdagang reklamo ni Mr. Ramos sinampahan niya sa parehong kaso si Mayor Fernandez at ang tresurero nitong si Romelita F. Alcantara.

“Dahil na rin sa kanilang mga ikinilos at inasal ay malinaw at walang dudang nagpakita na silang lahat at nagkaisa at partisipasyon sa ginawa ni Rosario, sa isang ‘grand criminal design’, na pare-pareho na naka-umang  na hintuin at lumpuhin  sa anumang paraan ang karapatan ng aming korporasyon (AMB ALC HOLDINGS)  sa aming ari-arian at negosyo,” mariing pahayag ni Ramos sa kanyang isinumiteng karagdagang salaysay.

Dagdag pa ni Mr. Ramos naisumite na raw nila ang lahat ng mga requirements at nabayaran na ang karampatang buwis na nakadetalye sa kanilang Transfer Certificate of Title (TCT) ngunit hindi pa rin sila nabibigyan ng ‘Building Permit’ noong ika-22 ng Marso 2013 na lampas na sa isang taon ang nakalipas.

Pinuna rin nila ang aksiyon ng tresurerong si Alcantara dahil ibinalik nito ang ibinayad sa buwis ng AMB ALC para sa Mc Adore Properties.

Ayon sa abogado nina Ramos na si Atty. Ferdinand Topacio na malinaw na pinapatay ang pagkakataon ng korporasyon ng AMB ALC na makapag negosyo dahil lamang sa politika.

Nasabi ito ni Atty. Topacio ang ganito dahil sa nabili ng AMB ALC sa isang lehitimong pampublikong subasta sa pamamagitan ng selyadong alok (sealed bids) na isinagawa nung Enero 2013 kung saan nanalo ang AMB ALC  at nilagdaan ni dating Mayor Benjamin Lim at ng kanyang pamahalaan.

“Lahat ng mga pangyayari ay dumaan sa lehitimong proseso. Ang Deed of Sale ay otorisado  ng dalawang Sangguniang Panlunsod na Resolution. Ang Commission on Audit mismo ang nagtakda sa presyo na binayaran naman namin ng walang kulang o labis sa Pamahalaan ng AMB ALC,” dagdag ni Ramos.

PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag ang aming tanggapan ay bukas para sa panig ng lahat ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

ALC

AMB

DAGUPAN

KANYANG

MAYOR

MAYOR FERNANDEZ

MR. RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with