‘Palit presyo (?)’
PAG meron tayong bibilhin sa mall at meron natipuhan, presyo (price tag) ang susunod nating titignan. Kung ito’y pasok sa budget natin binubusisi natin ito.
“Ikaw ba makakita ng damit parehong disenyo…magkaiba lang ng kulay, yung puti 20% discount nasa Php300 ang presyo yung asul naman P150…sa asul ka ba o sa puti?†paliwanag ni ‘Joan’.
Si Joan Pelagio-Andres sa edad na 34 anyos ay naranasan ng makulong kasama ang kapatid niyang si Junie Pelagio, 26 anyos.
Ang kasong sinampa sa kanila ‘Theft’. Matapos maakusahan ng ‘shoplifting’ (tag switching) ng isang Hammerhead Kids na terno sa Ever Department Store, Ortigas Avenue Ext. Pasig City.
Nakatira si Joan at asawang si Manuel, isang sekyu sa Floodway, Cainta kaya ‘pag may kailangan siyang bilhin tulad ng damit sa Ever siya pumupunta.
“Apat na taon ng promodiser ang kapatid ko dun sa Hammer Head men’s pero nasa limang beses pa lang akong nakakapunta dun,†ani Joan.
Ika-3 ng Desyembre 2013, 2:00 PM nagpunta sa Ever si Joan para bumili ng susuotin ng bunsong anak sa binyag nito.Gaganapin sana nung Desyembre 15.
Unang pinili ni Joan ang polong puti na pambinyag. Nag-ikot ikot siya sa ground floor at pumili pa ng puting sombrero, ‘SpongeBob’ na tsinelas at ang nakita niyang ternong sando at short sa Hammerhead Kids, pamalit ng anak.
“May nakita na akong kulay golden yellow na terno sa Hammerhead. Yun na dapat kukunin ko pero inisa-isa ko pa, nakita ko yung kulay blue 150.00 lang. ‘Aba ang mura.’ ‘Di ko na binitiwan,†ani Joan.
Shorts na lang na panterno sa polong puti ang hinanap ni Joan. Umakyat siya kay Junie sa Hammerhead Men’s at pinakita raw ang kanyang mga pinamili.
Iniwan daw ni Joan ang basket niya kay Junie at siya naman ang nagsukat ng pulang blouse at maong sa Penshoppe.
Mag-4:00PM na kaya’t pumila na siya sa ‘cashier’ sa ibaba para magbayad.
Sa kopya ng resibong pinakita ni Joan ang mga presyo ng mga pinamili niya ay: BB Club P329.75(polo), Beep Beep P89.75 (sombrero), Girls of Penshoppe P499.00, Hammer Head 150.00 at iba pa na umabot sa P1,936.00.
“Dalawang libo ang binayad ko… marami pang natira sa’kin Php5,000 ang dala ko. Pinaghandaan namin mag-asawa yun dahil binyag nga,†ani Joan.
Matapos bayaran, lumabas na ng Ever si Joan. Bago makaalis ang isang mamimili dun tsinitsek daw muna ang resibo at mga pinamili nito.
Palabas na lang siya ng habulin ng isang Lady Guard na kinilala niyang si Cecilia San Pedro, 28 anyos. “I-hold niyo yan!†sabi raw nito.
“Bakit po?!†pagtataka ni Joan. Dinala si Joan sa Security Office ng Ever. Dito nadatnan niya ang security coordinator na si Bart Fausman Marabulas.
“Modus niyo! Umamin ka na! Ninakaw mo yan!†bintang umano ni Bart.
Sumbong daw ng gwardiya niya may ninikaw si Joan.
“Anong ninakaw! Magdahan-dahan ka sa pananalita mo!†sabi ni Joan.
“Ah pinalitan mo ang price ano?!†giit umano ni Bart.
Maya-maya bumaba ang isang babae at sinabing kapatid siya ni Junie.
Mabilis na sabi raw ni Bart, “Sinong Junie? Yung sa Hammerhead? Nagsabwatan kayo!â€
Pinatawag agad si Junie, nagpaliwanag itong hindi siya ang may hawak ng Hammerhead Kids sa Hammerhead Men’s siya. ‘Di raw siya pinakinggan ni Bart at pinatawag ang diser. Kinausap ito at agad silang pinalabas ng opisina.
Pagbalik nilang magkapatid, naabutan daw nilang umiiyak ang diser at itunuro na raw nito si Junie na siyang nagpalit ng tag.
Diniretso sila sa presinto, Alleged Theft (shoplifting) iniligay sa reklamo.
PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag base sa binigay na salaysay ng gwardyang si Cecilia kay SPO1 Randy Aurelia ng Pasig Police Station nung ika-3 ng Desyembre 2013, Nakita raw niya si “Chean†dicer ng Street Jeans na kasama si Joan sa hammer head kids. Nakita niyang namimili ng mga damit pambata si Joan. Umakyat itong si Joan at pinasundan niya ito sa kanyang kasama na civilian guard na si Frguiza. “Niradiohan ako na bumalik si Joan sa Hammerhead Men’s at binabantayan ni Junie Pelagio… nakita ko na ibinigay ni Joan ang damit na kanyang pinili kay Junie at agad namang nilagyan ng ibang tag price ang damit na binigay sa kanya…†–laman ng salaysay.
Nagbigay din ng salaysay si Bart kaugnay ng insidenteng ito at siya raw ang inutusan ng management na magsampa ng kaso laban sa dalawa.
Tatlong araw nakulong sina Joan sa PCP-6 nakalaya sila matapos magpiyansa ng Php10,000 bawat isa. Agad na tinanggal sa trabaho si Junie at sinampahan silang dalawa ng kasong Theft.
Mula ng makalaya pinapupunta raw sila nitong si Bart sa Ever para sa ‘arraignment’ subalit wala naman daw nangyayaring pagkakasundo.
Sa ngayon nasa ‘mediation’ pa rin ang kaso ng magkapatid na Pelagio.
“Nakipag-ugnayan na kami sa manager ng Ever pero kay Bart daw kami makipag-usap kaya lumapit na kami sa inyong tanggapan,†wika ni Joan.
Itinampok namin si Joan sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, malaki ang nawawalang kita ng mga malls sa mga ‘shoplifters’ kaya nga umuupa sila ng mga house detectives para manmanan ang kapaligiran. Iba’t-iba ang mga shoplifters. Merong organisado (syndicated) meron din naman paisa-isa lang o nagsosolo lang.
Para ang isang kaso ay pumasok sa theft o pag-shoplift kailangang ma-‘consummate’ o matapos ang transaksyon. Ibig sabihin matapos mabayaran, makaalis, hinintay si Joan na magawa ang lahat ng ito bago siya sinita.
Ang kasong theft, matapos ang ‘inquest’ sa Prosecutor’s Office ay dumadaan sa isang ‘mediation’. Kapag walang interes ang mga may-ari o mall, ang pinapadala na lang nila ang gwardyang humuli para i-‘represent’ sila at sabihin ayaw nilang makipag-ayos para turuan ng leksyon ang iba pang nambibiktima sa mga malls. Matapos sabihin, yan aming ipinagtataka kung bakit ang pinili ni Joan ay ang presyo ang halagang 300 gayung siya’y nakabili ng mga iba pang damit na higit na mas mahal. Sinangkot ng testigo ang kapatid ni Joan at diretsong sinabi na nakita niyang pinalitan nito ang presyo ng Hammerhead Kids. Ang dapat na alamin dito ng taga-usig ay kung tama bang ang mall ang magreklamo o ang kumpanyang Hammerhead dahil kadalasan ang mga gamit ay ibinabagsak ‘on consignment basis’. Bakit walang taga Hammerhead na lumulutang? Gayun pa man, nakakita ka ng dalawang magkaparehong bagay iba lang ang kulay ngunit iba ang diperensya ng presyo ng isa, diba dapat tanungin mo muna sa kapatid mo o kahit na sinong ‘sales lady’ dun kung bakit iba ang presyo nito? (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest