^

PSN Opinyon

Mabuti at naunahan sila

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TILA mga dagang lumalayas. Ganito ang nakikita ko sa kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee, lalo na’t may warrant of arrest na silang lahat para sa kasong grave coercion. Labindalawang libong piso ang itinakdang piyansa ng korte para sa bawat isa sa mga akusado. Lumabas ang balita na may planong lumipad si Cedric Lee patungong Dubai, pero nakansela ito nang kumalat ang balita. Noong Lunes ng madaling araw, si Ferdinand Guerrero na isa rin sa mga akusado ang nagtangkang lumipad patungong Hong Kong, pero napigilan siya ng opisyal ng immigration nang lumabas ang kanyang pangalan sa computer nila. May lookout order na pala silang lahat na nilabas ng DOJ noong Enero pa. Mabuti naman at naunahan sila ng DOJ, at hindi sila ang naunahan.

Ang mga planong pag-alis ng mga ito mula sa bansa sa gitna ng imbestigasyon sa mga kasong grave coercion at serious illegal detention ay malaki ang pahiwatig. Hindi ba kung talagang tinulungan nila ang isang kaibigan na ginagahasa umano, bakit tila sila ngayon ang takot sa kaso? Sila ngayon ang gustong umalis ng bansa. Madalas nating marinig na ang pag-alis o pagtakas ay senyales ng pagkakasala. Ang balita ay nagbanta at nagsisisigaw pa si Guerero nang pigilanng makaalis. Idedemanda raw niya ang mga taong pumigil sa kanya. Eh di ang gobyerno rin ang makakalaban niya. Ano na kaya ang nararam­daman niya ngayon? Hinihintay na lang ang pasya ng korte sa kasong serious illegal detention. Sana mapabilis na rin at sigurado akong sabik na ang taumbayan para sa katotohanan.

Natuwa ako at natututo na rin ang gobyerno pag­dating sa mga may kaso na gustong umalis ng bansa. Pero marami na rin ang nakaalis at hanggang ngayon,  hindi pa mapabalik ng Pilipinas para humarap sa hustisya, tulad ni Ramona Bautista. Tila wala na ring balita sa puganteng ito. Sana ay ganito na kahigpit at mapagbantay ang mga opisyal sa immigration, para sa mga taong may kaso tulad ni Guerrero. Tandaan lang na hindi lang sa NAIA puwedeng dumaan paalis ng bansa. Marami na tayong international airport. Si Jovito Palparan ay paalis na sana mula Clark International Airport nang mapigilan. Hanggang ngayon pinaghahanap pa siya ng mga otoridad. Kailangang maging­ mapagbantay rin ang mga opisyal ng immigration sa lahat ng paliparan.

 

CEDRIC LEE

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

DENIECE CORNEJO

FERDINAND GUERRERO

HONG KONG

NOONG LUNES

RAMONA BAUTISTA

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with