^

PSN Opinyon

Walang katapusang media killings

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARA na tayong “pirated CD” na paulit-ulit ang sinasabi. Pero titigil lang tayo kapag natuldukan na marahil ang parang kadenang pamamaslang sa mga mamamahayag dito sa ating bansa. Ang pinakahuling insidente ng pagpatay na ito ay kinasangkutan ng isang Cavite reporter ng pahayagang Remate na si Rubilita Garcia.

Kamakalawa ay nanguna ang National Press Club of the Philippines (NPC) sa  isang ‘march for justice’ sa tulay ng Mendiola, malapit sa Malacañang, para ihingi ng hustisya ang pagkapaslang noong Abril 6 kay Rubilita ‘Rubie’ Garcia.

 Dala ang kabaong na kinalalagyan ng bangkay ni Rubie­, nagsagawa ng maikling programa ang NPC kasama ang kanyang pamilya at mga militanteng grupo bago sila tumuloy sa simbahan ng Bacoor para sa isang misa at paghahatid sa kanyang huling hantungan sa Eternal Memorial Park.

Ayon kay NPC president, Benny Antiporda, si Garcia ang ika-24 na kasapi ng media na napatay sa ilalim ng gobyernong Aquino.

 â€œBilang isang lider-mamamahayag, kasama natin noon si Rubie sa mga pagkilos upang humingi ng hustisya para sa mga napapatay na miyembro ng media at upang matigil na ang karahasan laban sa ating hanay.

  “Dalawang dosena na ang napatay na kasapi ng media; ilang dosena pa ba ang kailangang mamatay bago kumilos si Pang. Aquino,” tanong pa ni Antiporda. Nagkasundo ang liderato ng NPC na bigyan pa ng palugit hanggang sa susunod na buwan ang Philippine National Police (PNP) upang resolbahin ang kaso ni Rubie.

“Siguro naman sapat na ang 40-araw sapul ng mapatay si Rubie para resolbahin o bigyang-linaw ng PNP ang kanyang kaso dahil na rin sa sinasabi ng PNP na “ginagawa nila ang lahat” para sa agarang solusyon nito at isa umano ito sa kanilang “prayoridad.”

“Kung wala pa ring mangyari, may permiso ang NPC mula sa pamilya ni Rubie na ibigay ang kaso sa ibang ahensiya, katulad ng National Bureau of Investigation (NBI),” diin pa ni Antiporda.

Tiniyak din ni Antiporda na “hindi titigil” ang NPC hanggang sa mabigyan ng katarungan si Rubie at iba pang biktima ng karahasan laban sa media sa ilalim ng gobyernong Aquino.

ANTIPORDA

AQUINO

BENNY ANTIPORDA

ETERNAL MEMORIAL PARK

GARCIA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL PRESS CLUB OF THE PHILIPPINES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RUBIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with