^

PSN Opinyon

Waterless Holy Week

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BILANG public service, gusto kong ilathala ang ilang tips ng Maynilad sa publiko sa pag-iimbak ng tubig kaugnay ng pansamantalang pagkaputol ng daloy nito sa ilang bahagi ng Metro Manila. Nasabi na natin na dahil sa ginagawang flood control project, isinasaayos din ng Maynilad ang mga dadaluyan ng tubig para sa mga customers kaya ang trabaho ay itinapat sa Semana Santa.

Payo ng Maynilad, tiyaking sapat at ligtas ang naipong tubig. Dalawang araw bago ang service interruption, mangolekta at maglinis na ng mga pwedeng imbakan ng suplay. Mabuting iba-ibang sukat ang gagamiting lalagyan para mas madali itong maitabi sa loob at labas ng bahay. Agahan ang pagpuno ng mga lalagyan para maayos itong matakpan at maitabi. Ang tubig na hindi naimbak ng tama ay maaaring magdulot ng kontaminasyon at sakit.

Huwag lang sa mga drum, timba at planggana mag-ipon ng suplay. Ang mga baunan ng pagkain, microwa-vable plastic container, bote ng soft drinks at galon ng ice cream ay pwede ring pag-imbakan ng tubig.

Para magkaron ng karagdagang tubig pang-inom at pangluto, gumawa ng mas maraming yelo. Ang plastic na ginagamit panggawa ng yelo ay maaaring gamitin para maka-ipon ng tubig pang-sipilyo.

Puwede ring gamiting imbakan ng tubig ang ilang home appliance tulad ng washing machine, air pot, blender at rice cooker.

Pangatlo, agahan ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain. Ilang araw bago mawalan ng tubig, mabuting maglinis na ng bahay at magluto na ng ulam na kakainin para sa Miyerkules Santo hanggang sa Sabado de Gloria.

Sa ganitong paraan, pagdating ng water service inter­ruption, mababawasan ang kakailanganing tubig para maghugas ng mga sangkap at pinaglutuan. Pang-apat, huwag pababayaan ang kulusugan at kalinisan ng pamilya. Bagama’t limitado ang suplay ng tubig, hindi dapat tipirin ang tubig pang-inom para hindi ma-dehydrate. Panatilihin ding malinis ang pangangatawan. Mag-ipon ng sapat na tubig pampaligo, pangsipilyo at panghugas ng kamay.

Panglima, maaring mag-dilaw o magkulay brown ang tubig sa mga apektadong lugar pagbalik ng suplay ng tubig. Normal itong nangyayari kapag bagong bukas ang linya ng tubig.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa magaganap na water service interruption ngayong Semana Santa, tumawag lamang sa Maynilad Hotline 1626 o bumisita sa www.mayniladwater.com.ph/news_center.php.

AGAHAN

MAYNILAD

MAYNILAD HOTLINE

METRO MANILA

MIYERKULES SANTO

PARA

SEMANA SANTA

TUBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with