EDITORYAL - Sige, dakmain na lang nang dakmain
SABI ni President Noynoy Aquino noong Miyerkules, isa pang most wanted criminal ang susunod na madadakip at magugulat na lamang daw ang lahat. Kapag daw nahuli na ang wanted marami raw ang bibilib sa kalibre nito. Una nang nahuli ang fugitive housing developer na si Delfin Lee dalawang linggo na ang nakararaan habang nasa lobby ng isang casino sa Malate, Maynila. Mga operatiba mula sa “Task Force Tugis†ang nakadakma kay Lee. Nakakulong na si Lee sa Pampanga provincial jail.
Nakakapag-isip ang sinabi ng Presidente ukol sa wanted criminal na inaasahang babagsak sa mga alagad ng batas. Hindi niya pinangalanan ang wanted at baka raw makaapekto sa operasyon. Pero ang sinabi niyang marami raw ang bibilib sa kalibre ng madadakip ay talagang palaisipan sa mamamayan.
Hindi kaya ang ibig sabihin ni P-Noy ay naka-kabilib ang ginawang pagtatago ng criminal. Hindi kaya si dating army general Jovito Palparan ang tinutukoy ng Presidente? Si Palparan ay nahaharap sa kasong serious illegal detention dahil sa pagkawala ng dalawang UP students. Hindi kaya si dating Dinagat congressman Ruben Ecleo na nahaharap sa kasong pagpatay sa kanyang asawa? Hindi kaya ang magkapatid na Joel at Mario Reyes ng Palawan na sangkot sa pagpatay sa broadcast journalist-environmentalist Gerry Ortega? Hindi rin naman kaya ang kapatid ng “pork barrel scam queen†Janet Lim-Napoles na si Reynald Lim ang tinutukoy na madadakma?
Sino man sa kanila ang susunod na madadakÂma, marami ang matutuwa sapagkat matagal nang naghihintay ng hustisya ang mga kaanak ng kanilang nabiktima. Sila ay pawang may kinakaharap na kaso at dapat lamang maiharap sa korte.
Dapat kumilos na lang nang kumilos ang mga awtoridad para madakip ang mga wanted. Ngayong nagbigay na ng paunang salita si P-Noy kaugnay sa fugitives, dapat agarang kumilos at huwag ipahiya ang Presidente. Dakmain na lang kung dadakmain ang mga criminal.
- Latest