^

PSN Opinyon

‘Manyakis sa MRT’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KUNG saan may pila, naroon ang mga buwitreng nag-aabang ng kanilang mabibiktima.

 Sa mga sumasakay sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit lalo na ang mga babae, dehado na kayo. Wala pa man sa loob ng tren, kumakana na ang mga gumagalang kamay, manyakis, mandurukot at manghihipo. Pumipila at nakikipagsabayan sa mga babaing pasahero lalo na kapag rush hour.

 Nababasa na agad ng mga mapagsamantalang kumag kung sino ang kanilang didikitan at bibiktimahin. Mga babaing malinis tingnan, mabango, estudyante at papasok sa trabaho na alam nilang hindi papalag..

Nakarating sa akin sa pamamagitan ng text messages at bitagtheoriginal.com ang mga kababuyan at kamanyakan ng mga putok sa buhong predator sa mga MRT at LRT.

Idinidikit nila ang kanilang ari sa puwit ng babae, pinagagalaw pa at inilalawit ang kanilang dila. Kundi ba naman mga manyak na parang wala silang nanay, kapatid at mga anak na babae.

 Payo ng BITAG sa mga MRT at LRTrider, sa susunod na sumakay kayo ng tren lalo’t siksikan, magdala kayo ng perdible. Kapag may mga malilikot na kamay, huwag na kayong magdalawang-isip, tusukin n’yo agad. Komprontahin at ipahiya n’yo para madala.

Ang punto ko, mag-ingat ang mga babae sa mga manyakis na kunwaring sasakay ng tren.

Sana dagdagan ng Department of Transportation and Communications ang oras ng biyahe ng mga tren. Dagdagan ang coaches para hindi kawawa ang mga pasahero. Ang problema, sabi ng DOTC, tiis-tiis muna. Malapit na raw. Mga apo na lang siguro natin ang makikinabang diyan.

 Mensahe ko sa inyo, mga buwitre at manyakis, magkukrus din ang landas natin. Itaga n’yo sa bato, pagsisisihan ninyo kung bakit isinilang sa mundo.

 

DAGDAGAN

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

IDINIDIKIT

ITAGA

KAPAG

KOMPRONTAHIN

KUNDI

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with