Kapag mayaman lusot sa buwis
NABIGO ang Bureau of Internal Revenue sa tangkang pag-awayin ang mga doktor at guro. Imbis na magba-ngayan ang dalawang sektor, nagkaisa sila sa pagtuligsa sa mapang-aping pagbubuwis.
Naglabas ang BIR ng newspaper ad kung saan ipinakita ang isang doktor na nakasakay sa balikat ng isang guro. Anang ad, kumita ang doktor ng P1,075,080.53 sa isang taon, pero nagbayad lang ng buwis na P7,424. Samantala, ang guro na P752,169.48 ay kinaltasan ng P221,694.23 income tax. Anang headline: “Kung umiiwas ka sa buwis, pabigat ka sa mga nagbabayad.â€
Iisa ang sagot ng mga doktor at guro: Pabigat ang BIR sa mga naghihirap na mamamayan.
Totoo nga naman. Binibira ng BIR ang mga marangal na naghahanapbuhay, pero pinalulusot ang mga tamad na burgis, smugglers, tax evaders, at plunderers. Ilang ehemplo:
• Pinabuwisan ni BIR chief Kim Henares ang condominium homeowners association dues, pero exemp-ted ang mga subdivision homeowners associations na nangaÂkatira sa mga mansiyon;
• Walang sakdal kay umano’y big-time rice smuggler Davidson Bangayan alias David Tan, at binigyan pa nga ng National Food Authority ng pinaka-malalaking rice import permits nu’ng 2011 at 2012, pero sapin-sapin ang duties sa importers ng raw materials;
• Pinag-iinitan ang mga doktor at walang-kawala ang mga guro, pero lusot palagi sa BIR assessment ang isang malaking kompanya ng sigarilyong Maytibay;
• Wala pang tax evasion cases sa mga senador, kongresista at fixers na sangkot sa P10-bilyong pork barrel scam nu’ng 2007-2009.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest