EDITORYAL - CIDG aka ‘Agaw Bato’
MATINDI ang ginawa ng mga taga- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Pampanga. Kapag nakahuli ng drug traffickers o miyembro ng drug syndicate, kukuwartahan at saka palalayain. Ang mga shabu na nakumpiska sa sindikato, ibibenta naman ng CIDG. Galing no! Ganyan ang ginawa ng mga taga-CIDG-Pampanga na inaresto ng mga kapwa CIDG noong Martes. Matagal na umanong minamanmanan ang grupo at positibo sa ginagawang kabulastugan.
Hindi na nakapagtataka kung bakit hindi malutas ang problema sa illegal drugs sa bansang ito. May ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na naliligaw ng landas. Ang mga naaresto ay tinaguriang “agaw batoâ€. Kapag naagaw nila ang “bato†o shabu, sila na ang magbebenta. Ganito ang trabaho ng mga miyembro ng CIDG na ang tungkulin ay protektahan ang mamamayan. Kabaliktaran ang kanilang ginawa sapagkat sila mismo ang nagpapahamak sa mamamayan dahil sa pagbebenta ng bawal na droga. Gaano karaming kabataan at maski propesyunal ang nasira ang buhay dahil sa shabu?
Kinilala ni CIDG Director Chief Supt. Benjamin Magalong ang inarestong opisyal na si Chief Insp. Bienvenido Reydado, hepe ng CIDG Pampanga. Si Reydado ay miyembro ng Philippine National Police Academy Class 1999. Nakilala ang mga agents na sina Adriano Laureta alyas Ambo, Arnold Sanggalan alyas Arnold, Eric Reydado alyas Eric, Pedrito Tadeo alyas Pepot, Adriano Laureta alyas Andy at alyas Eric at Edwardson Sisracon. Sinibak din ang hepe ng CIDG Region 3 na si Chief Supt. Victor Valencia dahil sa command responsibility.
Ayon kay Magalong, ang modus nina Reydado ay huhulihin ang mga big time drug dealer at palalayain makaraang magbigay nang malaking pera. Palilitawin na nagsagawa sila ng operasyon pero negatibo ang resulta. Ang nakuhang mga droga ay ibebenta naman ng mga ito.
Nadungisan na naman ang PNP. Hindi pa nakaÂbabangon sa isyu ng pag-torture ay meron na namang panibagong dungis. Naniniwala kami na mayroon pang mga “bugok na itlog†sa CIDG at dapat hanapin ang mga ito at basagin. Hangga’t may mga “bugok†sa PNP, hindi makaaahon at laging mababa ang tingin ng mamamayan.
- Latest