^

PSN Opinyon

Naniwala ka ba kay Sen. Revilla?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

USAP-USAPAN hanggang ngayon ang privilege speech ni Senator Bong Revilla nu’ng Lunes. Dalawa ang paksa niya. Una, ang paratang na kinulimbat niya ang P225-milyong pork barrel nu’ng 2008-2009. Ikalawa, ang pang­hihimasok ni President Noynoy Aquino sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona nu’ng 2012.

Paninira lang ng administrasyon sa oposisyon, ani Revilla, ang pagsangkot sa kanya sa raket ni fixer Janet Lim Napoles. Hindi umano niya ito kilala; nagkataon lang na magkasosyo sa negosyo ang kanilang mga anak mula maging magka-klase sa high school. Nagbulaan umano si whistleblower Benhur Luy sa pagsabing nakipag­kita ito sa tauhang Richard Cambe, dahil nasa America ang huli nu’ng araw na ‘yon. Bakit inabot si Revilla nang limang buwan, mula nang masangkot sa “pork” scam, para sabihin lahat ito? Nakapagdududa.

Ito’y facts: Bagamat chairman ng Lakas-Kampi si Revilla, kabilang siya sa maka-administrasyong mayorya sa Senado. Merong photos si Revilla sa party sa bahay ni Napoles (madaling i-search sa Internet). At ayon sa abogado ni Luy na si Levito Baligod, sa dinami-dami ng salaysay nitong pakikitagpo kay Cambe, isang petsa lang ang sinabi ni Revilla na wala sa bansa ang tao niya. Nagpakita si Revilla ng Philippine Airlines ticket, Manila-Los Angeles. Ani Baligod, alas-10 ng gabi ang departure ng flight na ‘yon, kaya may oras pa magkita sina Luy at Cambe sa araw.

Seryoso ang implikasyon ng kuwento ni Revilla na pinatawag siya ni Aquino sa Malacañang para pabotohing i-convict si Corona. Pang-aabuso ito ng kapangyarihan ng Pangulohan. Pero ang problema, kuwento lang ito na walang pagpapatibay ng iba pang naroon.

Tumanggap si Revilla ng P50-milyong Disbursement Acceleration Program mula sa Malacañang nu’ng kasagsagan ng trial ni Corona. Hindi umano siya nagpa-pressure kay Aquino; sa halip ay bumoto sa tama: Conviction. Ibig sabihin nagpasuhol siya para gawin ang tama?

ANI BALIGOD

AQUINO

BENHUR LUY

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

JANET LIM NAPOLES

LEVITO BALIGOD

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with