‘Hipo ni lolo (?)’ (huling bahagi)
“BAKIT naman po ako gagawa ng kwento? Magsisinungaling po ba ang dalawang taong gulang na bata?†unang sabi ni Angielyn.
NUNG Miyerkules, sinulat namin ang umano’y pangmomolestiyang sinapit ng noo’y dalawang taong gulang na musmos mula sa sarili niyang lolo na si Maximino Mercado Jr. o “Bong†–52 anyos. Para protektahan ang bata tinago namin siya sa pangalang “Liletâ€.
Ayon sa lolo, ‘Frame-up’ lang daw ang lahat ng ito dahil sa perang ibinigay niya bilang kapital sa negosyong pautang at nagastos daw nila sa pagsusugal.
Tinawagan namin ang ina ng bata na si ‘Angielyn’ upang kunin ang kanyang panig tungkol sa kasong ito. PARA SA ISANG BALANSENG PAMAMAHAYAG, inire namin sa aming programa sa radyo ang “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ 882KHZ, (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN) ang panig ni Angielyn.
Ayon sa kanya, nakiusap itong si Bong na tumira sa bahay ng kanyang kinasamang si ‘Jerwin’. Wala raw kasing matirahan nun ang kanyang ama at hindi siya pwedeng tumuloy sa ‘construction site’ kung saan siya nagtatrabaho.
“Wala siyang kapera-pera. Kami pa ang nagbibigay ng pamasahe sa kanya,†sabi ni Angielyn.
Hindi niya tinatangging nagbigay ito ng pera para sa pautang pero si Bong rin daw ang nagdedesisyon kung sino ang papautangin niya. Ang perang ito rin ay galing sa partehan sa lupa ng kanyang ina’t ama.
Pagdating naman sa usapin tungkol sa ‘Bakery Shop’ diretsang sinabi ng anak na, “Siya po ang gustong magtayo nun. Hindi namin hiniling sa kanya!â€
Si Bong din daw ang nagpapatakbo ng tinapayan at ang tanging paghahanap lang ng mapagdideliberan ang ginagawa ng kanyang asawa.
Pag-amin pa ni Angielyn, nag-away silang mag-ama at umalis ito sa bakery shop dahil nagdala raw ito ng mga babae sa loob ng panaderya.“Nag-uuwi siya ng babae sa bakery tapos dun niya ginagalaw,†pagsisiwalat ni Angielyn.
Hindi tinanggi ni Angielyn na nagsusugal silang mag-asawa. Ayon sa kanya, hindi pa nakatira si Bong sa kanila naglalaro na sila.
Nabanggit ni Bong na 1,2,3…100-200-300 ang laban ng mag-asawa.
“Kung sa palagay na po nating nagma-majong kami ng asawa ko. Pera yun ng asawa ko! Hindi sa kanya…†matapang na sinabi ni Angielyn.
Giit ng ina, ‘di niya para gamitin ang kanyang anak sa usaping pera.
“Sino ba naman po magulang ang magtuturo ng kalasawaan sa kanyang anak?†matigas na ng ina.
Ayon kay Angielyn, mula ng tumira sa kanya si Bong napansin na ng nag-aalaga sa kanyang bunsong anak na 3 buwan gulang na hindi na maayos na nahuhugasan ang ari ni Lilet. Palagi daw itong nagrereklamo na masakit.
Desyembre 2013, habang hinuhugasan niya si Lilet dumaing ang bata na masakit ang kanyang ari kaya’t hindi na daw niya ito sinabon. Habang dina-‘diaperan’ napansin nila ng mister na pulang-pula ang ari ng bata. “Napansin din ng asawa ko na may amoy ang ari ng anak ko,†ani Angielyn.
Sinabi ni Angielyn ‘di niya masyadong nahugasan si Lilet dahil ayaw nito kaya’t ni-‘wipes’ na lang nila. Habang pinupunasan, bigla na lang umaray ang anak at sinabing, “Aray masakit…â€
“Tinanong ko kung bakit, ‘Eh si Lolo Bong po kasi e.’ Sabay muestra na po ng anak ko. Hinahawakan niya po ang ari niya,†wika ni Angielyn.
Ika-10 ng Desyembre, pinatingin nila agad sa ‘center’ si Lilet dahil alam niyang ‘di lang ito simpleng ‘diaper rash’ Tinanong daw nila kung ano ang nasa ari ng bata. Sagot daw sa kanya, “Hindi ko po alam. Tawag po tayo sa DSWD.â€
Siya pa raw mismo ang nagpigil na ‘wag munang dalhin sa DSWD.
“Sinabi ko pwede po ba ilihim muna kasi tatay ko yun,†ani Angielyn.
Dinala niya ang reklamo sa PNP-Women’s Desk, Pateros Police Station. Agad pina-‘medico legal examination’ ang si Lilet. Batay sa resulta na isinagawa sa PNP, Crime Lab, Camp Crame ni PSINSP Jasmial Marie Balbuena M.D nakalagay na, Findings: No evident injury at the time of examination but medical evaluation cannot exclude sexual abuse. The Anogenital findings seen in this patient are to be expected in a child who describes this type of molestation.
Desidido si Angielyn na ituloy ang kaso laban sa ama. Paglilinaw niya hindi niya pinalayas si Bong sa kanilang lugar. Nagulat nga raw siya ng mabalitaang kamailan na umalis na daw ito sa bahay ng kaibigan.
“Hindi ko po alam ang totoong ugali ng ama kong yan dahil bata pa lang ako ng magpunta siya ng Japan. Ngayon ko lang siya nakasama ganito pa ang ginawa niya sa anak ko… sa apo niya,†mariing sabi ng anak.
Ayon kay Angielyn araw-araw din raw kung uminom ng alak ang ama.
“Tingin ko rin po nagda-drugs siya…†dagdag pa ni Angielyn.
Kasalukuyang dinidinig sa Prosecutor’s Office, Pateros ang kasong ito. “Nung huling hearing tinatanong si Lilet ng Prosecutor ayaw na niyang magsalita… parang nahihiya siya. Kailangan na raw magsalita ng bata,†pahayag ni Angielyn.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, mahirap isipin na ipakukulong mo ang iyong sariling ama kung walang nagawang mabigat na kasalanan. Mahirap ding isipin ang isang lolo gagawan ng malaswang bagay ang sariling apo na kadugo’t laman.
Diniretso namin si Bong na ang isang usapin sa taga-usig o sa korte, sa pagitaan ng isang dalawang taon na bata at sa isang akusado ang testimonya ng isang menor -de-edad ang bibigyang timbang. Ilang ulit naming tinanong kay Bong kung totoo ba ang bintang sa kanya subalit mariin niya itong tinatanggi. Tinanong din namin siya kung saan niya nakuha ang sinabi niyang inilabas masok niya ang daliri (fininger)? ang bata gayung ‘di naman daw ganun ang sabi ni Lilet at anak.
Nagkaroon ng pagdinig na paglilinaw (clarificatory questioning) ang prosecutor at puro wala, wala ang sagot ng bata. Pinaalalahanan sila na kailangan magsalita ang bata sa susunod na pagdinig. Sa pagkuha ng testimonya ng batang biktima, dapat dinadaan sa isang ‘child psychologist’ na magtatanong dito at kadalasan sa Philippine General Hospital (PGH) isinasagawa ito. Kinukunan pa ng video at saka lamang ibinibigay ang salaysay sa taga-usig o sa korte. Trauma ang aabutin ng bata kapag pinilit siyang magsalita at naiintindihan ko rin naman ang kagagalang-galang ng taga-usig na mabigat ang kasong ito na sa isang pirma gamit ang kanyang pluma sa ‘resolution’ maaaring makulong itong lolo ng walang piyansa.
Sinusubukan naming tawagang muli si Bong subalit ‘di namin siya makontak. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038.
Sa puntong ito nais kong pasalamatan si Beth Landicho, manager ng PNB, PICC Branch at si Kenneth Velasquez sa kanilang tulong na ibinigay sa akin.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest