^

PSN Opinyon

Panalo na bumabanat pa sa Comelec

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

TAPOS na ang eleksiyon. Pero may personalidad na kumukuwestiyon sa integrity ng eleksiyon upang “magpasikat”. Siya si Atty. Jeryll Harold Respicio. Nanalo na nga siyang vice mayor ng Reina Mercedes, Isabela, inuupakan pa ang Commission on Elections! Why?

Kung anu-anong issue laban sa Comelec ang isinisiwalat niya. Ano ang intensiyon — personal vendetta ba sa institusyong nagpanalo sa kanya? Kung may depekto siyang nakita sa sistema, bakit hindi niya isinampa sa tamang forum noong wala pa siya sa pulitika?

Ngayong vice mayor na siya, ano ang prayoridad niya? Serbisyo ba sa mamamayan, o magpakalat ng kontrobersiya sa social media?

Ani Respicio, siya raw ay IT expert. Bihasa siyang mag-hack. Aniya, puwede raw manipulahin ang automated counting machines (ACM) sa Eleksiyon 2025.

Pero integridad ng halalan at tiwala ng taumbayan ang nakasalalay dito. Ang Comelec ang tagapamahala ng eleksiyon at ang pagkasira nito’y pagkasira rin ng demokrasya.

Dapat kung matibay ang alegasyon niya, magdemanda siya sa Korte pero ang platapormang ginamit niya ay Facebook at hindi korte?

Ang pahayag ni Respicio ay nakapagpalaganap ng takot, duda at maling impresyon sa sistema ng eleksiyon. Sinadya man o hindi, may pananagutan ‘yan.

Si Respicio ay nanalo, pero bakit gusto pang pasabugin ang sistema? Kung may dayaan, e di kuwestiyonable rin ang panalo niya?

Kapag ang opinion ay nakasisira sa kredibilidad ng halalan at walang ebidensiya, iyan ay iresponsableng paggamit ng impluwensiya—hindi freedom of expression.

Kaya ang ginawa ng Comelec, sa pamumuno ni Chairperson George Garcia, sinagot at sinampahan siya ng kaso dahil sa kanyang alegasyon, sa tamang proseso at forum. Kaya ang tanong nang marami: Bakit siya tumakbo, kung ang plano niya lang ay pag-initan at torching ang Comelec? Hindi lahat nang marunong magsalita ay may malasakit. At hindi lahat ng viral ay makatotohanan.

HAROLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with