Isyung Noy-Panday ayaw pang lumamig
MAINIT at “talk-of-the town†pa rin ang privilege speech ni Sen. Bong Revilla na umupak kay Presidente Noynoy at kay DILG Secretary Roxas kaugnay ng pag-impluwensya daw sa mga Senator-Judges para hatulang guilty si Renato Corona sa kasagsagan ng impeachment.
Walang bago. Tingin ko ay rehash ng privilege speech ni Sen. Jinggoy Estrada na nauna nang nagsabing nanuhol ng milyones ang Presidente para tiyaking tatalsik sa puwesto bilang Chief Justice si Corona.
Si Senador Miriam Santiago na kabilang sa tatlong Senator-Judge na umabsuwelto kay Corona ay nagsabing walang paglabag na ginawa ang Pangulo kahit pa tinangka nitong impluwensiyahan ang resulta ng impeachment trial laban kay Corona.
“Hindi krimen yan†sagot ni Miriam. Ngunit kung mapapatunayan umano na nanuhol ang Pangulo ng salapi sa mga Senador, puwedeng makasuhan ng bribery ang Pangulo na ground for impeachment. Kaya kung may ebidensya ang mga senador na nagaakusang nanuhol ang Presidente ay mabuting ilantad na nila at maghain ng impeachment laban kay Pnoy.
Kahapon naman, sa groundbreaking ng Skyway 3 project sa Makati na mag-uugnay sa North na mag-uugnay sa North at South Expressway, may patutsada ang Pangulo kay Revilla na naging bantog sa tawag na Panday sa pelikula.
Aniya ang ambisyosong proyekto ay natupad dahil sa kanyang adbokasya na “Daang Matuwid†at hindi ito “pinanday†lamang ng pantasya o mga gawa-gawang eksena sa pelikula.
Sa kanyang talumpati sa ground breaking, sinabi ng Pangulo “Anumang pilit ng ilang magpapogi at magpabida para sa pansariling interes lang, ay wala pa ring makakapigil sa kolektibo nating pag-arangkada bilang isang bayan. Bawat hakbang sa tuwid na daan ay nakatuon lamang sa direksyon kung saan higit na maiaangat ang buhay ng mga kababayan nating matagal nang na-etsapuwera’t napag-iwanan†anang Pangulo.
- Latest