Subsidy sa kuryente napapanahon ngayon
NOONG panahon ni Marcos, mayroong pinairal na Oil Price Stabilization Fund (OPSF). Ito’y isang pondo na ginagamit bilang subsidiya sa panahong tumataas ang halaga ng krudong langis para hindi masyadong maa-pektuhan ang taumbayan.
Ngunit nang maluklok si Presidente Cory Aquino, ito ay inalis na at pinabayaan na lang umayon sa takbo ng merkado ang halaga ng mga produktong petrolyo. Tama rin ito sa isang banda subalit may mga situwasyong pangkagipitan na dapat paglaanan ng subsidy ng gobÂyerno kung mayroon namang pondo.
Hindi natin pag-uusapan ang petrolyo kundi halaga ng elektrisidad na ngayo’y nasa balag pa rin ng alanganin kung tataas o hindi, depende. Ito ay depende sa magi-ging pinal na hatol ng Korte Suprema na nagpatupad ng TRO sa pagtataas sa power rate na ipatutupad sana ng Meralco. Kapag inalis ang TRO, patay kang bata ka! Babawiin din sa taumbayan ang halagang dapat itaas ng elektrisidad na nabalam dahil sa TRO.
Ang babala ng mga eksperto, pati na si Energy Secretary Petilla, tataas at tataas ang halaga ng elektrisidad sa ayaw natin o sa gusto. Maganda ang panukala ng mga Kongresista sa Mababang Kapulungan. Gamitin ang kontrobersyal na Malampaya Fund bilang subsidy sa halaga ng elektrisidad.
Ang Malampaya Fund ay bahagi ng kita ng Malampaya natural gas na siyang ginagamit na pangunahing source ng murang elektrisidad.
Ayon kina House Energy Committee Chairman Reynaldo Umali at Buhay partylist Rep. Lito Atienza, energy related naman ang problema kaya pasado ito sa kundisyon ng batas para sa paggagamitan ng Malampaya funds.
Naniniwala akong makabubuti ang suhestyong ito ng mga mambabatas. Naging kontrobersyal nga ang paggamit ng Pangulo sa pondo na tinawag na “pork barrel†ng ilang sektor sapul nang pumutok ang isyu na kinasangkutan ni Napoles. Tingin ko, kung ang Malampaya Fund ay magagamit para sagipin ang taumbayan sa nakalululang pagtaas sa presyo ng elektrisidad, malamang ay gumanda ang pananaw ng mamamayan sa pondong ito dahil may pinaggamitang makabuluhan.
- Latest