^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kumakalat ang tigdas

Pilipino Star Ngayon

KUMAKALAT ang tigdas (measles) hindi lamang sa Metro Manila kundi pati sa mga probinsiya. Sabi ng Department of Health (DOH), una nilang na-monitor ang tigdas noong nakaraang Oktubre 2013 kaya naman agad silang nagkasa ng measles immunization drive. Nagbabala agad umano sila sa maaaring pagkalat ng tigdas.

Ayon sa record ng DOH’s National Epideomo-logy Center (NEC) mula Enero hanggang Disyembre 2013, 1,724 ang naitalang kaso ng tigdas at 21 ang namatay. Karamihan umano ng kaso ay naitala sa Metro Manila.

Payo ni Dr. Willie Ong, kolumnista ng pahayagang ito sa mga magulang, pabakunahan ang mga bata. Bakuna ang pinaka-mabisang panlaban sa tigdas. Pabakunahan ang mga sanggol at bata sa health center sa edad siyam na buwan at 15 buwan. Maaari nang bakunahan ang anim na buwang sanggol.

Ayon pa kay Dr. Ong, ang tigdas ay nakakaha- wang sakit ng mga bata (edad anim na buwan hanggang 12 taon). Ang tigdas ay galing sa measles virus.  Ang sintomas umano ng tigdas ay lagnat, sipon, ubo at kakaibang rashes sa buong katawan. Nag-uumpisa sa lagnat na tumitindi pagdating ng apat hanggang limang araw. Lalabas ang makapal na rashes mula sa mukha pababa sa buong katawan. Pagkalipas ng apat hanggang limang araw, mawawala na ang rashes at ang lagnat.

Puwedeng magka-komplikasyon ang may tigdas. Isa sa bawat 10 bata na may tigdas ay magkakaroon       ng impeksyon sa tainga na puwedeng kumalat sa utak. Isa sa bawat 20 bata ay magkakaroon ng pulmonya, at isa sa bawat 500 bata ay namamatay dahil dito.

Sa nangyayaring outbreak ng tigdas, nararapat pang paigtingin ng DOH ang kanilang kampanya laban sa sakit na ito. Ipaunawa sa mga magulang ang mga dapat nilang gawin laban sa sakit. Magsagawa naman ng puspusang door-to-door vaccination sa mga lugar na maraming kaso ng tigdas. Ang tulong ng local government ay mahalaga naman sa pagkakataong ito. Makipagtulungan sa DOH ang LGUs para maging mabilis ang pagdeliber ng serbisyo sa mamamayan. Madaling malulunasan ang tigdas at anumang sakit kung magtutulung-tulong laban dito.

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ONG

ISA

METRO MANILA

NATIONAL EPIDEOMO

TIGDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with