^

PSN Opinyon

Tigdas outbreak: Paalala sa magulang

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG tigdas (measles) ay nakakahawang sakit ng mga bata edad 6 months hanggang 12 years. Galing ito sa measles virus (medical term ay rubeola). Kadalasan, mga bata sa mahihirap na bansa ang nagkaka-tigdas.

Ang sintomas ng tigdas ay lagnat, sipon, ubo at ka­ka­ibang rashes sa buong katawan. Nag-uumpisa sa lagnat na tumitindi pagdating ng apat hanggang limang araw. Pagkatapos, lalabas ang makapal na rashes mula sa mukha pababa sa buong katawan. Kapag nakakita ka na ng batang may tigdas, alam mo na ang hitsura nito. Pagkalipas ng apat hanggang limang araw, mawawala na ang rashes at ang lagnat.

Seryoso ang sakit na tigdas dahil puwedeng magka-komplikasyon. Isa sa bawat 10 bata na may tigdas ay magkakaroon ng impeksyon sa tainga na puwedeng kumalat sa utak. Isa sa bawat 20 bata ay magkakaroon ng pulmonya, at isa sa bawat 500 bata ay namamatay sa tigdas.

Paano nakakahawa ang tigdas? Ang virus ng tigdas ay maaaring maipasa ng batang maysakit sa ibang bata sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahin. Kapag natamaan sila ng tigdas, maghihintay muna ng walo hanggang 12 araw bago lalabas ang mga sintomas ng tigdas.

Kailangan maihiwalay ang mga batang may tigdas. Nakakahawa ang mga bata sa loob ng apat na araw bago magkaroon ng sintomas ng tigdas, at hanggang sa limang araw pagkatapos lumabas ang mga rashes.

Paano ginagamot ang tigdas?

1. Mahabang pahinga at pagtulog ang kailangan ng bata.

2. Kapag may mataas na lagnat, puwedeng punasan ang bata ng maligamgam na tubig at gamit ang bimpo.

3. Painumin ng maraming tubig ang bata.

4. Tanggalin ang mga muta sa mata sa pamamagitan ng tubig na may konting asin.

5. Diliman din ang kuwarto dahil sensitibo ang kanilang mata sa liwanag.

6. Kapag may ubo at plema, binibigyan ng doktor ng antibiotic at gamot sa ubo.

7. Para sa kati ng rashes, puwedeng pahiran ng Calamine lotion at bigyan ng gamot sa kati.

8. Gupitan din ang mga kuko ng bata at lagyan ng guwantes ang kamay. Ito’y para hindi kamutin ang rashes dahil magsusugat ito.

Paano iiwas sa tigdas?

Ang bakuna ang pinaka-mabisang panlaban sa tigdas. Ito ay kasama sa MMR vaccine kung saan may panlaban ito sa measles, mumps at rubella. Pabakunahan ang mga sanggol at bata sa health center sa edad siyam na buwan at 15 buwan. Puwede na rin bakunahan ang six months na bata.

Tandaan: Nakamamatay ang tigdas kaya pabakunahan na ang mga anak sa health center.

vuukle comment

BATA

DILIMAN

GUPITAN

ISA

KAPAG

PAANO

TIGDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with