^

PSN Opinyon

Pag-alis ng Xmas parties pinsala sa ekonomiya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI ako sang-ayon sa pagkansela ng Christmas par­ties, sa ngalan umano ng pakikiramay sa mga na­salanta ng pinaka-malakas na Typhoon Yolanda sa ka­ saysayan -- sa Leyte, Samar, Cebu, Panay, Negros, at Palawan. Ginagatungan pa ng ilang mabababaw na media men ang mga pribadong kompanya at ahensiya ng gobyerno na tumulad kuno sa mga “mababait” na opisina na nag­kansela na.

Hindi naman nagsi-kansela ng Christmas parties makalipas ang pinsalang dinulot ng Typhoon Pablo, na pinaka-malakas nang tumama sa Mindanao sa kasaysayan, nu’ng Disyembre 2012. Hindi rin nagkagan’un nu’ng nangwasak ang Storm Sendong sa northern Mindanao nu’ng Disyembre 2011. Tuloy din ang Christmas parties matapos ang Storm Ondoy sa Metro Manila nu’ng Setyembre 2009. Ano ang kaibahan ngayon at nagkakanselahan: mas malaki ang pinsala at mas maraming patay, o nagpapalusot lang ang ilang makukunat na employers at nansusulsol pa ang pakialamerong media?

Suhestiyon ko, ituloy pero i-tone down ang Christmas parties. Ibigay ang (one-fourth (25%) ng budget sa kawanggawa, at pagkasyahin ang three-fourths (75%) sa pagkain, dekorasyon, atbp. Kung ang budget ay P100,000, ilaan ang P25,000 sa pinagkasunduang charity; P75,000 sa kasiyahan. Ang importante naman ay ang sama-samang pagdiriwang.

Hindi kailangan sa mga biktima ng Typhoon Yolanda ibigay ang 25%; maari rin sa mga pininsala ng lindol sa Bohol, Zamboanga City siege, sa mga lumpo at ulila.

Kung kanselahin ang Christmas parties, buong bansa ang mapipinsala. Ang mga nag-alaga ng baboy, manok, pabo, bangus, tilapia, gulay, at iba pa ay malulugi. Pati mga empleyado nilang permanente at temporary -- accountants, cooks, waiters, drivers, atbp. -- ay walang Pamasko. Nag-abuloy din sila sa mga nasalanta: pagpapabaya ba ang ganti natin sa kanila?

 

 

DISYEMBRE

METRO MANILA

MINDANAO

STORM ONDOY

STORM SENDONG

TYPHOON PABLO

TYPHOON YOLANDA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with