^

PSN Opinyon

‘Sa ina dapat mapunta’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

“PUWERSAHAN nilang kinuha ang isa kong anak. Nagpapasalamat na lang ako naitakas ko ang isa,” ito ang mga katagang binitiwan ni “Jane”.

Nagtungo sa aming tanggapan si Mary Jane Diaz o “Jane”, 29 taong gulang kasama ang kanyang ina na si Beatriz “Beth” Ganceña.

Inaakusahan niya ang kanyang biyenan na nasa likuran umano ng pagtangay sa kanyang anak.

Nagkakilala si Jane at ang kinakasama niyang si Romar Laguisma sa Pangasinan. Pareho silang tauhan sa isang peryahan.

Nagkamabutihan sila hanggang sa nagkaroon ng relasyon.

Oktubre 2004 nang magsama sila. Buntis na si Jane kaya naman sa bahay ng magulang ni Romar sila tumuloy.

Tatlong buwan matapos manganak sa panganay nilang si “Sheng” (di tunay na pangalan), iniuwi nila ang bata sa lola nitong si Beth sa Marikina City.

“Hindi nila masyadong maasikaso dahil may sakit ang anak ko, iniwan muna sa akin. Ako na ang nag-alaga hanggang sa mag-umpisa na siyang mag-aral,” wika ng lolang si Beth.

Tuwing bakasyon hinahatid daw niya ang kanyang apo sa Panga­sinan upang makasama naman ang kanyang ina at ama dun.

Nasundan ang kanilang anak makalipas ang limang taon.

Pebrero 2013, inalok na magtrabaho si Beth sa isang Korean Restaurant. May trabaho rin si Romar kaya sinabihan niya si Jane na iuwi sa Pangasinan si Sheng dahil walang mag-aalaga.

“Dalawang buwan lang naman yun. Nangako naman ako na kukunin ko rin siya pagkatapos ng dalawang buwan,” ani Beth

Pasukan na ng buwan ng Hunyo, ipinaalam daw ni Jane sa kanyang ina na dun na lamang sa Pangasinan mag-aaral si Sheng.

Pumayag ito at nagpadala agad ng pambili ng gamit sa eskwela.

Madalas umanong tumawag si Beth sa kanyang anak para kamustahin at kausapin ang mga apo. Halos madurog ang puso ni Beth sa bawat daing daw ng mag-ina. Sa abot ng kanyang makakaya nagpapadala siya ng pansuporta sa kanila.

Ika-15 ng Nobyembre, nagpaalam daw si Jane na pupunta sa isang kasalan.

Hinintay niyang umuwi ang kanyang asawa para humingi ng pamasahe at ibilin  ang kanilang mga anak.

Nagpaaalam siya pagdating ni Romar subalit nagkasagutan sila at nauwi sa  mainitang pagtatalo.

Pinagbintangan pa raw umano siya nito na may ibang la­laking kinakatagpo. Nagulat daw siya ng palayasin na lang siya ng biyenang­ babae…si “Josie”.

 â€œNag-text agad ako kay mama. Hindi naman daw siya makakapunta agad sa Pangasinan kasi wala siyang pera,” sabi ni Jane

Naglalakad daw silang mag-iina sa gilid ng kalsada ng makita sila ng kaibigan ni Jane na si “Cristy”.

Pinatuloy daw muna siya nito sa kanilang bahay. Lumipas ang dalawang araw pero ‘di man lang siya nakatanggap ni isang tawag mula sa kinakasamang si Romar. Nag-text umano siya dito na dalhin ang mga damit ng bata kina Cristy subalit wala raw itong sagot.

Linggo ng umaga isinama silang mag-ina  ni Cristy sa palengke.

Kinausap daw siya ng amo nila sa peryahan na pinsan ng kanyang biyenang lalaki. Mayroon daw ‘evaluation’ sa eskwelahan at kailangan papasukin ang bata. Nangako naman daw ito na ibabalik si Sheng agad pagkatapos.

Naghintay siya maghapon. Nang susunduin na ang kanyang anak,tinawag siya ng isang barangay tanod at sinabing hinahanap siya ni Kapitan sa barangay.

“Tinanong ko kung bakit? Sabi ko hintayin ko muna makarating ng Pangasinan si mama pero pinilit nila ako. Pagdating ko dun, naabutan ko na lang ang anak ko, si Romar at mga magulang niya,” pahayag ni Jane.

Sinalubong daw siya ng kanyang anak subalit pinigilan ito lumapit sa kanya. Tinananong daw si Romar kung gusto na ba siyang hiwalayan. “Oo” daw ang mabilis na sagot nito.

Pinapirma raw sila sa isang kasunduan na sa kanila mapupunta si Sheng at sa kanya naman mapupunta ang isa pang anak.

“Di ko na alam ang gagawin ko. Pumirma na lang ako. Wala raw akong makukuha kasi ako raw ang gumawa ng kalokohan. Sinabi kong patunayan nila wala naman silang maipakitang ebidensya,” matigas na sabi ni Jane.

Pagdating naman ni Beth sa Pangasinan agad siyang nagpunta sa barangay at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Pinagharap sila ni Romar sa tanggapan ng DSWD.

Giit daw ni Kapitan Feliciano Ibasan mababalewala lang ang kanilang napagkasunduan sa barangay kaya’t sinunod umano nila ang naging usapan.

Pinaliwanag ni Beth sa apo na hindi pa siya maaaring maisama sa Maynila.

“Yayakapin ko pa sana hinila na nila. Nagpapabili ng C2 yung bata bibilhan ko pa sana di na nila pinasama sa akin. Kawawa ang anak o kasi natutulala. Sana maibalik na ang apo ko sa ina niya,” pagsasalarawan ni Beth.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm  at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Jane at Beth.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ayon sa Family Code, ang isang ‘illegitimate child’ o batang ipinanganak na hindi kasal ang mga magulang, mapupunta sa ina ang kustodiya.

Brgy. Captain Feliciano Ibasan, wala kang karapatan na paghiwalayin ang mga bata kahit pa may kasunduan silang pinirmahan dahil sa una pa lang ay hindi na ligal yan. Kahit dalhin mo sa korte yan, sa ina mapupunta ang bata dahil ‘di sila kasal.

Upang mas magabayan sina Jane at Beth ini-refer namin sila sa tanggapan ni PSSUPT Rudy Lacadin, Deputy Director for Operations ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN at may ‘legal problems’ magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Bukas kami Lunes-Biyernes.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

ANAK

BETH

DAW

JANE

KANYANG

NAMAN

PANGASINAN

ROMAR

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with