Larong buko
GALIT ako sa “flip flopping†ng Mataas na Hukuman dahil hindi ako sanay sa pagwawalambahala ng Korte sa respetong dapat iukol sa mga nauna nitong pagpasya. Anong klaseng policy ng pamamahala ang walang katapusan at pabagu-bagong desisyon sa hindi naman nagkakaibang isyu. Nawawalan ng istabilidad ang administrasyon ng hustisya na sanhi ng kawalan ng kumpiyansa ng mamamayan na may makakamit silang katarungan.
Maski ang desisyon ng mga ahensiya ng executive branch, lalo na iyong may pinanghahawakang quasi-judicial na kapangyarihan, ay dapat ding nirerespeto at hindi lang basta binabalewala. Ang tawag dito ay ang prinsipyo ng non quieta novere. Ang mga final decisions ay hindi na maaring rebisahin pa. Maging ang opisina ng Pangulo ng Pilipinas ay walang karapatang ipalit ang kanyang diskresyon sa nauna nang desisyon ng ahensya. Isa ito sa mga sagradong prinsipyo ng Administrative Law.
Maraming dahilan kung bakit ganoon katimbang ang mga desisyon ng ahensya na dumaan sa tamang proseso. Maliban sa istabilidad at kumpiyansa, nariyan din ang presumption of legality – lahat nang kilos ng gobyerno ay itinuturing na naaayon sa batas. Lalo na ang mga desisÂyon ng specialized agencies dahil sa kanilang pagiging eksperto sa mga usaping sakop ng kanilang mandato. Nariyan din ang katotohanan na kadalasan ay dumadaan sa isang board at hindi lang sa iisang opisyal ang katungkulang magpasya. Garantiya ito na mahihimay ng husto ang isyu at anumang desisyon ay pihadong napagtuunan ng kaukulang pagkilatis at pagsuri.
Kung kaya nakakabahala ang pagkuwestiyon nina Sec. Leila de Lima at P-Noy tungkol sa parole na ibinigay ng Board of Pardons and Parole (Board o BPP) kay Ex-Governor Antonio Leviste. Huwag na nating pag-usapan ang flip flop ni De Lima na nauna nang umamin na above-board ang prosesong sinunod. Huwag na rin itanong kung bakit sa dami ng problema ng Pangulo ay pinili pa nitong maging one man BPP at mag-micro manage. Ang nakagugulat ay ang agarang pagpahiya ng Pangulo sa Board sa halip na bigyang ng elementaryang presumption ng legalidad ang aksyon ng sarili niyang mga appointee.
Maaring naaayon sa posisyon ng mayorya ang reaksyon ng Pangulo. Subalit hindi ito lisensya upang baliktarin ang maayos na proseso ng batas dahil lang hindi siya sumasang ayon sa resulta nito.
- Latest