^

PSN Opinyon

Tipid tips sa medikal na gastusin

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

PAANO ba makatitipid sa medikal na gastusin? Sundin ang mga sumusunod na payo:

Pumili ng isang magaling na family doctor. Ito ‘yung doktor na mamamahala sa lahat ng inyong gamutan. Kaya ng isang doktor na gamutin ang karamihan ng inyong karamdaman.

Magtanong sa doktor tungkol sa generics na gamot at murang gamutan. Huwag mahiya. Kung P30 lang ang inyong budget para sa gamot sa isang araw, sabihin ito sa doktor at siya na ang bahalang magkasya nito para sa inyong sakit.

Itago ang lahat ng laboratory exams sa isang me­dical folder. Napakahalaga nito para hindi ulit-ulitin ang inyong lab tests. Kapag nawala ang inyong lab results, nawala na rin ang inyong perang ginastos.

Gumamit ng senior citizen card. Kapag kayo’y lampas 60 years old, puwede kayong makakuha ng 20% discount sa botika. Siguraduhing kumpleto ang reseta at sapat ang bilang ng gamot na nireseta ng inyong doktor.

Mag-enroll sa PhilHealth. Sa halagang P100 ba­wat buwan, may PhilHealth card na kayo. Malaki ang maitutulong ng PhilHealth card kapag kayo’y maospital. Aabot sa P20,000 ang maaawas sa inyong bayarin sa ospital. Siguraduhing kumpleto ang lahat ng Philhealth requirements habang nasa ospital.

Kung kayo’y papasok sa ospital, pumili ng maliit na kuwarto, semi-private room o kaya sa wards na lang. Tandaan: Ang gastos ninyo sa gamot, sa pag-opera at sa bayad sa doktor ay naka-base sa laki ng inyong kuwarto. Pumili ng murang kuwarto at siguradong makatitipid kayo ng malaki.

Siyempre, kailangang umiwas sa mga bisyo para hindi magkasakit. Bawal magkasakit, kaya bawal din ang sigarilyo at sobrang alak. Kumain din ng gulay at prutas para lumakas ang inyong katawan.

Sa mga edad 40 pataas, magpa-check up bawat taon kahit wala namang nararamdaman. Ayon sa pagsusuri, ang taong laging nagpapa-check up sa doktor ay nakadadagdag ng 3 taon sa kanilang buhay. Kapag maagang malaman ang sakit, madali itong gamutin at mura pa ang gastos.

Magbasa ng mga health articles at manood ng health shows tulad ng Salamat Dok ng ABS-CBN. Tandaan, ang pasyenteng may tamang kaalaman ay mas humahaba ang buhay. Good luck.

AABOT

AYON

DOKTOR

INYONG

KAPAG

PUMILI

SALAMAT DOK

SIGURADUHING

TANDAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with