^

PSN Opinyon

Amba Tago, ikaw mismo!

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

AKO, at aking buong pamilya at ang OFW Family Club Party-list ay taos-pusong nakikiramay sa mga OFW na namatay at nasugatan dahil sa terrorist attack sa Defense  Ministry ng Yemen noong Huwebes, Disyembre 5.  Ito ay magdudulot ng lubhang pagdalamhati sa mga naulilang pamilya laluna’t magpapasko na.

Hinihiling ko kay Ambassador Ezzedin Tago sa KSA na may tangan ng Yemen na pangunahan niya mismo ang pag-aasikaso sa pag-pauwi ng mga labi. Sa mga ganitong pangyayari, ang ambassador  mismo ang dapat nangu-nguna sa lahat na dapat gagawin, sa halip na ipinauubaya lamang ito sa mga labor attaché o consul.

Dapat ay kumilos siya na parang tunay na ama ng mga OFWs doon sa mga bansang kanyang  kinakasakupan. Ito ay ayon sa panukalang batas na inihain ko sa Kongreso na ang mga Ambassador, ay dapat, by law, should perform as surrogate or substitute parents of  OFWs in all matters involving their welfare, protection and safety. Huwag na dapat hintayin pa ni Ambassador Tago na maging batas muna ang aking pinapanukala bago siya umakto na parang tunay na ama ng mga OFW.

Ambassador, we expect you to move your ass now and proceed to Yemen. Ipinanukala ko na rin sa Kongreso sa pamamagitan ng House Bill, nabigyan ng free scho-larships at allowances ang mga anak ng mga nasirang OFWs na nangamatay while working abroad hangga’t makatapos ng kolehiyo.

Bilang  naturingang Amba at Ama ng mga OFW sa KSA at Yemen, personal na makipag-ugnayan din dapat si Mr.Tago sa mga naulila ng pamilya sa Pilipinas. Sa ganang  akin, inutusan ko na ang staff  ko sa Kongreso na makipag-ugnayan na sa pamilya para mabisita ko at matulungan sa abot ng aking makakaya.  Pero  ang DFA, DOLE, at OWWA ang dapat nangunguna rito dahil sa kanilang bilyon-bilyung mga budget, di tulad natin na walang PDAF.

 

AMBASSADOR EZZEDIN TAGO

AMBASSADOR TAGO

BILANG

DAPAT

HOUSE BILL

KONGRESO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with