^

PSN Opinyon

“Anderson Cooper shut-up!”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Nung MIYERKULES nailathala namin sa aming pitak ang tungkol kay Korina Sanchez at sa isang CNN reporter na si Anderson Cooper. Matatandaan na bukod tanging binanatan nitong si Anderson Cooper kasama ang kanyang gahiganteng network na CNN ang isang komento na nanggaling kay Korina gayung siya naman ang nag-umpisa na bumatikos sa ating pamahalaan dahil wala raw ‘relief goods’ at wala raw ‘officials’ na kumikilos sa Tacloban nung day 5 pagdating niya. Paglapag pa lang nitong baklitang reporter, umasta na ito na para bang may malaking karatulang “I’m very important. I’m from CNN”.

May mga kababayan natin na nagsasabing kung hindi dahil kay Cooper hindi malalaman ng buong mundo ang tungkol sa Pilipinas. Yan ay isang malaking kasinungalingan o kabalastugan. Ang typhoon Yolanda o Haiyan ay isang di pangkaraniwang bagyo at mayroong ibang ‘International Media Outfits’ tulad ng BBC London, ABC Associated Press Reuters na nagpaabot sa daluyong na tumama sa ating bayan.

Umani ng iba’t-ibang reaksiyon ang aming naisulat at nais naming malaman ni Anderson Cooper na karamihan sa aming kababayan ay hindi natutuwa sa kanyang ginagawa kaya’t para sa iyong kaalaman at ng mga mambabasa narito ang ilan sa kanilang komento.

 

Mr. Calvento,

Sana nasa front page itong sinulat mo at sana maipadala ito sa CNN. I will try to mail it to Mr. Cooper
I am one of those Filipino who didn’t like his opinion when he first stepped in to Tacloban. I acted like he was the CEO. He doesn’t know the psychological impact of his action to the victims and the people away from the site. Tayo pang mga Pilipino ang pag aawayin resulta ng kanyang ginawa. Kawawang mga Pilipino naman na wala sa Pilipinas siyempre naniwala na wala ngang tumutulong doon kasi sa mga balita parati sinasabi nila walang tulong, kailangan ng tulong. Kaya lalong lumaki ang gusot dahil sa panghihimasok ng mga dayuhan na hindi handa sa kanilang nasaksihan. Dahil sila mismo ay na-shock. Yung nakita nila ay hindi pa nila narasan sa buong buhay nila ang mahirapan ang maghintay ng tulong na di mo alam kung dadating pa ba o hindi na. Pagdasal na lang natin si Mr. Cooper at di niya alam ang ginawa niya at kawawang Korina kinutya ng sariling kababayan. Ganyan talaga pagnagseserbisyo ka sa masa maraming mapapansin na mali kaysa sa tama. Move on na lang tayo may Diyos naman na nakakakita ng pinagdadaanan natin. Mabuhay ang Pilipinas...

 

Jerica
Nurse sa New York

           

***6658-gud pm galing mo kuya tony! Katatapus qlang basahin un calvento files mo about korina en kupal este cooper pala! mabuhay ka! Badtrip din aq jan kay cooper e epal yn! magaling ka kuya tony saludo aq sau fan m aq araw2 ako nagbabasa ng colum m, God Bless Always!

***0509- ,mabuhay ka TONY CALVENTO!tnx 4 having the balls t0 stand and dfend ms k0rina Sanchez.!im reading NGAYON everyday and im an avid fan of ur column.. kip up d gud work!G0d bless! Jade Ramirez p0h,

***1864-Gud am po Ginoong Tony Calvento…Tma po ang inyong mensahe s isyu n inilathala nyo khpon n ‘Si Korina at si Cooper’..Nagkaroon po an gaming pamilya ng dagdg kaalman ukol po s isyung ito..Kip up d gud work po!from: Jersyfa Valencia & family of laguna

***9279-s opini0n q p0h s cnvi n c0oper,my pun2 po xia na mxYaong mbgal ang atng pmahalaAn k8t kme ay nan0od po x tV ay kitang2x namn ung sitwaxY0n,at mxxvi dn po naman na mbgal tlaga,kh8 xnews marami p rin ang hnd nabBgyn ng 2lung,kya pinpakita lng tlga n c0oper ang tot0ong sitwasyon

***5332-MABUHAY KA TONY CALVENTO AT KORINA SANCHEZ!!!ituloy nyo lang ang tahimik nyo pagtulong sa mga nasalanta…GOD NEVER SLEEPS..have a blessed day…

***4052-Tama po kayo mr calvento cnu bang magtulong tulong kundi kapwa Pilipino sobra naman bakla reporter na cooper nay n kng mag salita parang kng cnu cia ganyan na nga nangyari sa kabisayaan lalaiitin pa tayo cge idol banatan mo pa cia

***8000-Gud am sir, kababasa ko lang ang sinulat nyo sa ‘calvento files’, at agad ako nagtext para sabihin ko na masaya ako na may isang tulad po nyo na nagmamalasakit kay ms.korina. Akala ko wala ng magmalasakit sa kanya kc lahat na lang binabatikos cya lalo pa sa isang dayuhan na akala mo na kung cno cya,na parang ina-idolna ,who is ‘she’?eh ano kung anak cyan g milyonarya,pweh! Hanga ako sa iyo sir at pinagtanggol mo ang kapwa mo Pilipino at hindi sa’baklita’ na kano. Saludo ako sa iyo,sir. Keep safe n god bless!

***8883-Marami pong salamat smaganda nyong opinion at paguulat ng nga kaganapan dinulot n Yolanda. Nsa likuran nyo p km sir tony calvento. Sa lahat ng ipinagllban nyo. Mabuhay kyo n korina.

Para sa ibang ‘third world countries’ nawa’y ito’y maging babala na wag kayong pumayag na ang isang reporter mula sa isa sa pinakamayamang bansa sa buong mundo ay dadayo sa inyong lugar at tuturuan, babatikusin at lalaitin kung ano ang mga pagkakamali niyo. Sabi nga ni President Manuel Luis Quezon “I prefer a government run like hell by Filipinos to a government run like heaven by Americans.”

Bilang pagtatapos nais ko ring ikabit itong langaw sa isang baso ng tubig na si Desiree Sumalinog ng Inter-Agency Council Against Trafficking na kung makipag-usap sa telepono ay akala mo daig pa niya si Sec. Leila De Lima ng Department of Justice. Nagtatanong pa lang kami para humingi ng assistance sa isang taong lumapit sa kanyang tanggapan ay agad kaming sisinghalan at sasabihing, “Andami-dami namang taong nagpa-follow up nito.” Sinabi ko sa kanya na ito ang unang beses naming tumawag at mataas pa boses na sinabi niya, “Pero bago kayo marami nang tumawag.” Sa puntong yun sinabi ko sa kanya na wala kaming personal knowledge tungkol sa sinasabi nila. Tumawag kami na ang hinihiling naming, na ang isang babaeng nadamay lamang sa isang grupo ng ‘human traffickers’ na hinuli ng Anti-human Trafficking Division ng NBI. Ang kaso ay pinag-aaralan pa ng NBI subalit nagbigay na ng certification na ang babaeng humihingi ng tulong na si Kristina Quinto ay nagkamali na napasama ditto, ayaw pa niyang irelease ang passport nito. Ang iba sa ating mga kababayan nabigyan lang ng power e abot na hanggang EDSA at dumadagundong sa buong kamaynilaan ang kanilang kayabangan. Itong si Desiree Sumalinog napag-alaman din namin na itoy isang ‘contractual employee’ lamang at hindi ‘Organic Member’ ng DOJ. Nakakatakot isipin na kapag siya’y na-regularize ni Sec. De Lima kung ano ang kanyang magiging ugali. Ang posisyon mo ay isang ‘Public Trust’ at ikaw ay isang ‘public servant’ na inatasan na maglingkod at hindi magsiga-sigaan. Yung puno ng mangga sa bakuran ng kapitbahay niyo ang sigaan niyo baka mamunga pa. Huwag ang maliliit nating kapwa Pilipino.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.

ANDERSON COOPER

CALVENTO

COOPER

DESIREE SUMALINOG

ISANG

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with