^

PSN Opinyon

God knows who lies

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA mga bumabatikos sa ating “Pambansang Kamao”  Rep. Manny Pacquiao, suriin muna natin ang sitwasyon. Alamin kung sino ang nagsasabi ng totoo: Si BIR Commissioner Kim Henares ba o si Pacman?

Bago iyan, tanungin din natin ang ating sarili, may freeze order ba laban sa sikwat na yaman ng mga opisyal ng gobyerno na nahaharap sa bilyong pisong katiwalian?

Si Pacman ay malaking karangalan ang inihatid sa Pilipinas. Yung mga bugok at tiwaling opisyal ng pamahalaan ay kapahamakan ang idinulot sa ating mga kababayan. Pero sa nangyayari ngayon, tila si Pacman pa ang nagi­ging “kriminal.”

Bawat kusing na kinita ni Pacman ay pinagtayaan niya ng sariling buhay para mabigyang dangal ang bansa. Madalas siyang naka-KNOCK-OUT at may ilang pagkakataong siya ang na-KNOCK-OUT.  Yung ibang “honorable” diyan kinita ang yaman nila sa “pagna-KNOCK-kaw” sabi ng isa kong friend sa FaceBook.

Sabi ni BIR Commissioner Henares dalawang taon nang naabisuhan si Rep. Manny Pacquiao na iharap ang IRS  documents mula Amerika na katunayang nagbayad na siya ng buwis. Wala raw aksyon si Pacman maliban sa ibinigay na sertipikasyon ng Top Rank Promotion na bayad na siya ng buwis sa Amerika.

Sagot ng legal counsel ni Pacman na si Atty. Re­migio Rojas kumpleto ang mga dokumentong iniharap sa BIR  kasama yung form W-9 ng IRS, at hindi lang yung certification mula sa Top Rank Promotion. Sino kaya ang nagsasabi ng totoo?

Ani Henares, P1.1 mil­yon lang mula sa dalawang banko ni Pacquiao ang pinigil sa ngayon kaugnay ng paghahabol ng pamahalaan sa P2.2 bilyong tax delinquency ng boksingero. “Kasinungalingan” ang tugon ni Atty. Rojas. Aniya ang freeze order ng Court of Tax Appeals ay ipinadala sa lahat ng bankong may deposito si Pacman sa GenSan at Maynila. Di na makapag-withdraw si Pacman.

Kaya nangutang siya ng P1 milyon para itulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Leyte at Samar.

Mahirap lusutan ang Internal Revenue Service ng Amerika na ang kinakaltas sa kita ng sino man ay 30 porsiyento ng gross income. At sa pagkaalam ko, kapag nabuwisan na sa ibang bansa ay wala nang dapat ibayad na buwis dito. Well..naaawa lang ako sa isang bayaning mukhang inalipusta ng sarili niyang bayan.

AMERIKA

ANI HENARES

COMMISSIONER HENARES

COMMISSIONER KIM HENARES

COURT OF TAX APPEALS

INTERNAL REVENUE SERVICE

PACMAN

TOP RANK PROMOTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with