^

PSN Opinyon

Misis ng presidente ng gov’t bank laging kasama sa mga trip abroad

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang pati misis ng presidente ng isang government bank ay isinasama sa official trips abroad?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Vice President Jojo Binay, Cong. Arthur Yap ng Bohol, Mayor Jeff Soriano ng Tuguegarao City, Faith Fajutagana, Gen. Rufo de Veyra, Louie Sta. Maria, Tonton Lansangan at Dr. Allan Racho.

Alam n’yo bang usap-usapan ng mga empleado ng isang government bank ang kanilang presidente dahil maski official trips nito sa abroad ay akay-akay pa ang kanyang misis. Mabuti man lang kung ito ay mga biyahe lamang sa Asia. Aba, ito ay mga biyahe sa Amerika at Europa at ang gastos ay sagot ng government bank. 

Ayon pa sa aking bubwit, hindi pa natatapos ang taon subalit inubos na ni Sir ang kanilang pondo. Ito ay nag-over spend na ng mahigit P176-milyon mula sa kanilang approved budget para ngayong 2013.  May hinala ang mga empleado na gusto ni Bossing na malugi ang hawak na banko upang i-merge ito sa Land Bank of the Philippines Kapag nag-merge ang dalawang banko, siya ay umaasang magiging Presidente at CEO. Ang kapal mo Sir, mismanaged na nga ang hawak mong banko, e gusto mo pang hawakan ang Landbank.

Ayon pa sa aking bubwit, nagpagawa si Sir ng mga kalendaryong pang-give aways sa Pasko. Pero ang nakakatawa, ang mga ipinagawa ay Ayala calendars sa halip na pangalan ng kanilang banko. Akala raw yata ni Sir ay empleado pa siya ng Bank of the Philippine Islands (BPI) o baka naman nagsisipsip lamang siya sa dating amo na si Don Jaime Zobel de Ayala. Ang presidente ng government bank na gusto umanong malugi ang hawak na banko at parating isinasama ang misis sa official trips ay si Mr. B.G. as in Betcha by Golly.

vuukle comment

ARTHUR YAP

AYALA

AYON

BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

DON JAIME ZOBEL

DR. ALLAN RACHO

FAITH FAJUTAGANA

LAND BANK OF THE PHILIPPINES KAPAG

LOUIE STA

MAYOR JEFF SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with