^

PSN Opinyon

‘Romualdez’ country grabeng sinalanta

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGKALAT na bangkay sa lansangan  at daan-daang wasak na tahanan. Pati paliparan na-wipe out! Iyan ang malupit na tanawing iniwan ng bagyong Yolanda sa probinsya ng Leyte. Ito ay matapos ang isang storm surge o pag-apaw ng karagatan dahil sa bagyo na umabot ng hanggang 15-talampakan! Batay sa pagtaya ng mga local na opisyal, posibleng umabot ng libo-libo ang bilang ng mga namatay sa kalamidad.

Ito’y  oportunidad para ipamalas nina Leyte 1st district Rep. Ferdinand Martin Romualdez at ng kanyang tita na si dating  Unang Ginang at Representante Imelda Marcos ang malasakit sa pamamagitan ng pagtustos sa rehabilitasyon ng lalawigan. Baka bilyones ang kakailanga­nin diyan. Hindi kayang balikating mag-isa ng gobyerno ang dambuhalang gastos sa laki ng pinsalang dulot ng kalamidad. Sa elektrisidad pa lang ay tinatayang aabot nang kung ilang buwan bago maibalik ang serbisyo.

Kaya sana po Rep. FM, pagtulungan ninyong mag-tita ang pagpapabalik sa normal sa napinsalang lalawigan. Kayang-kaya iyan kung tayo’y magbabayanihan!

Kawing-kawing ang mga kalamidad na naganap sa atin. Ngunit may kalamidad na masahol sa bagyo, pagbaha o lindol. Kung manira ito ay unti-unti at hindi sa isang iglap  gaya nang mga bagyo at lindol. Ito’y puwedeng mangyari kahit kanino, na sa una’y nasisiyahan sa ginagawang katiwalian nang hindi alam na ang dulo pala ay kapahamakan. Ngayon ay talamak ang korapsyon sa gobyerno. Sabwatan para kulimbatin ang salapi ng bayan.

Kapag ang tao’y naakit sa karangyaan at kapangyarihan ng mundo, ang Diyos ay “dekorasyon” na lang sa labi. Nagsisimba para pagtakpan ang natatagong kawalanghiyaan. Nagdodonasyon sa simbahan sa pagaakalang nabibili ng salapi ang kapatawaran ng Diyos. Kapag nangyari ito ay ayaw nang dinggin ang boses ng Diyos kundi sariling kalooban ang sinusunod. Hindi na inaalala ang mga taong posibleng maghirap sa kanilang kakurakutan.

Ang mga likas na kalamidad gaya ng lindol, bagyo at pagbaha ay bunga lamang ng ating pagtalikod sa Diyos. Marami ang nagkakasala pero ayaw umaming nagkasala. Walang lunas sa sakit na iyan maliban sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ang dahilan kasi kaya gumagawa ng pang-aabuso ang mga tao ay wala nang kinikilalang nakatataas sa kanila. May Diyos lang sila sa labi pero wala sa kanilang puso.

 

DIYOS

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

KAPAG

LEYTE

MAY DIYOS

REPRESENTANTE IMELDA MARCOS

UNANG GINANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with