^

PSN Opinyon

Sa mga mahilig sa karera

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PINULONG kamakailan ni Philracom chairman Angel Castano Jr ang mga steward ng Manila Jockey Club Inc (MCJI), tagapamahala ng San Lazaro Leisure Park sta Carmona, Cavite, Philippine Racing Club Inc. (PRCI) sa Naic, Cavite at Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ng Malvar, Batangas, hindi upang tuligsain  ang malamyang kampanya ng Philippine National Police sa mga illegal horse racing bookies sa Metro Manila na sumisira sa imahe ng Philippine Racing Commission. Hehehe!

Kasi nga ang dalawang buwang nalalabi sa taong 2013 ang pinaka-aantay ng mga horse owner, henete, horse traineers na maipakita ang kanilang galing at abilidad sa larangan ng karera ng kabayo. At ito rin ang buwan na dumaragsa ang mga turista upang saksihan ang mga magagaling na henete at mabibilis na kabayo na lalarga sa mga bagong anyo na karerahan. Kung sabagay hindi na nakakahiya sa mga dayuhang dadalo sa tatlong karerahan ng bansa dahil talaga namang first class na ang pagkakadisenyo na may full security ang kapaligiran.

Sa puntong ito masusubok ang kakayahan ni chairman Castano sa pagma-manage sa Philracom Grand Sprint Championship bukas (Nob. 10), Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup, Marho Grand Championship at Philtobo Championship, Presidential Gold Cup, Grand Derby at ang P2.5 milyon na Juvenile Championship sa Desyembre, dahil kung lilimbot-limbot siya tiyak na semplang na naman tayo sa mga mata ng mga dayuhan. Di ba mga suki! Kaya upang maiwasan ang simplang maaga pa lang pinulong na ni Castano ang mga steward sa tulong ng kanyang mga directors.

Ayon kay Phiracom Commissioner Jesus Cantos, exe­cutive racing director, ang  pagpupulong sa stewards ay upang ikasa ang masusing pagsubaybay sa mga karerang magaganap. Inatasan ang lahat ng stewards na maging parehas at listo upang maiwasan ang kontrobersiyal na game fixing at gulangan sa pakarera ng sa gayon ang Grand Sprint Championship na gaganapin bukas sa San Lazaro Leisure Park na may papremyong P1-milyon ay maging suwabe.

Dito masusubok kung sino ang kakain ng alikabok sa loob ng race track nina  Fierce and Fiery, C Bisquick, Si Senior, Lord of War, Tiger Run, Don Martini, at Sharpshooters. Kasunod naman ang hatawan sa Cojuangco Cup na posibleng paglalaban ng tatlong magagaling na kabayong imported at local sa pangunguna nina Hagdan Bato, Crusis at Juggling Act. May nakahandang P2-milyon papremyo sa 2,000 meters na karera. Maraming sorpresang pakarera pang ibibigay ng Marho at Philtobo sa racing day sa Disyembre. Kaya kayong mahilig sa karera ng kabayo, mangyaring tangkilikin natin ang sariling pakarera, ngunit paalala lamang mga suki, iwasang tumaya sa illegal bookies.

vuukle comment

AMBASSADOR EDUARDO M

ANGEL CASTANO JR

C BISQUICK

CAVITE

COJUANGCO CUP

COJUANGCO JR. CUP

DON MARTINI

FIERCE AND FIERY

SAN LAZARO LEISURE PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with