Cabinet member ni P-Noy meron nang airline company
ALAM n’yo bang meron nang airline company ang isang kontrobersiyal na Cabinet secretary ni President Noynoy Aquino?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Engr. Adlai Cabuyadao, Engr. Froilan Lara, Dr. Al Loreto, Noli Libunao, Rolly Aguja, Manny Crisostomo, Rolly Balmori at Mandy Bustamante.
Alam n’yo bang mainit ngayon ang balitang nakabili o kasosyo na ngayon sa isang airline company ang isang Cabinet secretary ni P-Noy?
Si Secretary ay may image na Mr. Clean subalit nang nabulgar ang mga anomalyang kinasangkutan ng queen of pork barrel scam na si Janet Lim Napoles, nababahiran na rin ang kanyang pangalan.
Kasabay ng kontrobersiya ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) na may kinalaman sa departamento ni Secretary, lumutang din ang isyu sa airline.
Hindi naman lumutang ang pangalan ni Secretary sa kompanya. Ang mga kasosyo sa airline company ay foreign investors mula sa Singapore subalit ang kapatid ni Secretary ay kasama sa kompanya bilang dummy.
Ang tanong nang marami, ano ba ang negosyo ng kapatid ni Secretary at nagkaroon nang malaking investÂ- ment sa airlines. Hindi kaya katas ng PDAF at DAP? Alam kaya ito ni P-Noy na nagsabi kamakailan na hin di “hindi ako magnanakaw†at “hindi kami magnanakaw.â€
Ang Cabinet secretary na balitang nakabili o kasosyo ng bagong airline company ay si Sec. F. as in Funds.
- Latest