‘Sipsip ng Salabay’ (Huling bahagi)
SINO si Randy? Paano nadawit ang pangalan nila Nelvin at Noknok sa umano’y pag- ‘kidnap’ at panggagahasa kay Mimay?
Nung Miyerkules itinampok namin kung paano nakaladkad ang magtiyuhing sina Nelvin Parale at Melbhen Quinto o “Noknok†sa kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention with Rape sa noo’y 16 anyos na bakasyunista ng Daet, Camarines Norte. Si “Mimay†(di tunay na pangalan).
PARA SA ISANG BALANSENG pamamahayag, base sa salaysay na ibinigay ni Mimay kay PO3 Rosalinda B. Tenso sa harap ng kanyang ina sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Daet Municipal Police Station, Camarines Norte nung ika-30 ng Mayo 2012:
Mayo 29, 2012… 9:30 PM pagtapos umihi ni Mimay sa madilim na lugar sa Purok Ubas, Brgy. Gubat. (dahil malayo ang banyo nakaugalian na nilang dito umuhi para malapit lang) nagulat siya ng may lalaking nagtakip ng panyo sa ilong at bibig niya. Nawalan na siya ng malay.
Nagising siyang nakahiga na sa likurang bahagi ng van lulan ng apat na lalaking nakaupo sa unahan. Tumatakbo ito sa ‘di niya kabisadong lugar. Tahimik ang mga ito. Ang isa, may kausap sa cell phone na tinawag niyang ‘bossing’. Palihim na tinext ni Mimay tiyahing si ‘Ate Bebs’, humingi ng saklolo.
Huminto ang van sa lugar na di niya alam (nalaman niya lang ng balikan nila kasama ng mga pulis--sa Lukban Subd.)
Bumaba ang apat na lalaki at nag-usap. Sinubukan niya tumakas subalit ‘di niya mabuksan ang pinto.
Pumasok ang isang lalaki at nagsalita, “Pasensya ka na, ginagawa lang namin ito sa’yo dahil may utang na loob kami sa uncle mo!â€
“Pumasok sa isip ko na si Kuya Randy na uncle ko, Bentrand Aban Esplana na kapatid ni Papa ang tinutukoy niyang uncle koâ€-laman ng salaysay.
Bumama ang lalaki, makalipas ang ilang minuto’y bumalik. Sapilitan nitong hinubad ang short at panty niya at itinapon sa harapan ng van. Itinutok ang kutsilyo sa kanyang leeg. Dito na umano siya ni-‘rape’.
Nagpabalik-balik ang lalaki sa van at apat na beses daw siya ginahasa.
Sa salaysay ng biktima sinalarawan niya kung ano ang itsura ng lalake: “Katamtaman ang laki ng katawan, katamtaman ang taas, medyo maitim, one sided ang buhok, may sungki ang ngipin, matapang ang mata at mayroong paso na kasing laki ng 25 centavos sa pagitan ng hinlalaki at hintuturong daliri. Napansin ko yun ng hawakan niya ko sa brasoâ€â€”laman ng salaysay.
Pinagbihis siya ng suspek at sinabing may pupuntahan sila. Pagbaba sa ‘van’ piniringan siya ng isang lalaki na nalaman niyang si Nelvin Parale. Habang naglalakad may narinig siyang sumusunod sa likod.
Sinakay siya sa traysikel at tinanggal ng isang lalaki ang kanyang piring. Pag-upo niya tinulak niya ang isang lalaki,natumba ito. Dito na siya nakatakbo.
Hinabol siya ng mga ito. Dinaanan niya ang isang simbahan. Tinawagan niya ang kanyang ina, humingi ng saklolo at nagpasundo.
Dumating ang kanyang “Kuya Muloâ€. Inangkas siya sa motor at sinundan nila ang dilaw na traysikel na humabol sa kanya subalit ‘di nila ito naabutan.
Tinanong si Mimay ng pulis kung sino ang tinatawag na “Bossing†ng mga suspek sa pagkakaalam niya. Sagot ni Mimay, “Si Kuya Randy na nga na uncle ko dahil bago mangyari ang insedente nag-text na siya sa’kin na ipapadukot niya ko at ipapa-rape sa tropa niya at marami pa siyang mga text messages na pagbabanta pati na rin sa Auntie ko na si Ate Bebs.â€- ayon sa salaysay.
Ang dahilan daw ng pagbabanta ay ang pagsumbong ni Mimay sa ina’t ama sa pangmomolestiya raw ng tiyuhin mula 12 anyos siya.--- nangyari sa Maynila.
Kinilala ni Mimay ang ilan sa dumukot na si Noknok, ang drayber at si Nelvin na siyang nagpiring.
Itinukoy din niya ang van: dark color, may nakadikit na berdeng santo sa unahan. May nakasabit na salamin. Tatlo ang haba ng upuan at sa likuran may nasipa siyang plastic na boteng may lamang tubig.
Ang testimonyang ito ni Mimay ay i-finile sa Prosecutor’s Office Daet, Camarines Norte. Ininquest sina Nelvin at Noknok para sa kasong Forcible Abduction with Rape. Lumabas ang resolusyon sa ‘inquest proceedings’ at nakitaan ng probable cause. Inamiyendahan ng prosecutor at ginawang Kidnapping and Serious Illegal Detention with Rape.
Nagsampa ng ‘Petition for Bail’ ang abogado nila Noknok. Dininig ng hukom ang mga testimonya at tinimbang ang ebidensya ng prosecution.
Abril 16, 2013 naglabas ng Order si Acting/Assisting Judge Arniel A. Dating. Pinapayagan silang makapagpiyansa ng Php200,000 bawat isa.
Ayon sa hukom matapos timbangin ang lahat, naniniwala siya na nasa pag-uudyok ng mga pulis na inguso ang dalawang akusado at naging sunod-sunuran naman itong biktima na hindi man lang kinilala kung sila nga ba.
Nagbubungguan din ang pahayag ng pulis na si Mimay ang tumawag para ituro ang bahay pati na rin kung saan naroon ang van. Taliwas sa sinabi ni Mimay na siya ang tinawag ng mga pulis para sabihin natagpuan na ang van.
Sinita ng korte na hindi kilala ng biktima ang dalawang akusado. Paano raw niya nakilala ang boses ni Melbhen gayung wala naman kakaiba sa boses nito na maaaring maging palatandaan niya? Hindi rin makapaniwala ang hukom kung paano niya mamumuknan si Nelvin gayung minsan lang sila nagkita ng ito’y bumaba sa van at madilim ang paligid bago piniringan ang kanyang mga mata.
Nagbenta ng lupa sina Nelvin pangpiyansa para sa pansamantalang paglaya. Gustong nila malaman ang ligal na hakbang maaring gawin kaya’t nagsadya sila sa amin. Itinampok namin sila sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahatâ€DWIZ882KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, wala silang magagawa kundi sumailalim sa paglilitis tungkol sa kasong ito. Ang paborable lang naman sa kanila ay habang dinidinig ang kaso hindi sila nakakulong. May abogado naman sila at para ‘di na magtagal ang pagdinig, matapos maipresinta ng prosecution ang kanilang huling testigo at makontra-tanong sa halip na maglatag pa ng isang depensa mag-file sila ng ‘demurrer to evidence’. Bahala na ang kagalang-galang na hukom kung sino ang kakatigan. Gaya ng aming sinasabi sa isang paglilitis ang testimonya ng biktima ay dapat maging kapanipaniwala at ang kanyang sinasabi ay kapanipaniwala rin na walang bahid ng pagdududa. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Magtext sa 09213263166/ 09213784392/ 09198972854. Tumawag sa 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest