^

PSN Opinyon

COA official, hindi pumapasok sa CR hangga’t di nai-inspect ng bodyguard

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang hindi pumapasok ng comfort room ang isang opisyal ng Commission on Audit (COA) hang­ga’t hindi nai-inspect ng kanyang bodyguard?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Bing Adalin ng Davao City, Irving Lisondra ng MBC, Bro. Noli Tamayo, Danny Muñoz, Hazel Gadayan, Ed Espiritu ng DZRH at Francis Ladroma.

Alam n’yo bang ilang empleado sa Senado ang  nagtaka nang makasabay nila sa CR ang isang opisyal ng COA?

Ayon sa aking bubwit, noong October 16, dumalo sa budget hearing ang nasabing opisyal. Bago pumasok sa kuwarto na pagdausan ng hearing ay nag-CR muna si Mam. Siya ay jumingle at nagre-touch ng make-up.

Pero bago pumasok si Mam sa CR, ay pumasok muna sa CR ang isa niyang bodyguard na babae na naka-barong. Si Mam naman ay  naghintay sa labas. Sinilip isa-isa ng guard ang cubicles. Tiningnan din nito ang mga taong nasa CR. Matapos ang ilang minutong inspection, lumabas ang guard at binulungan ang COA official, “All clear Mam.”

Pumasok na si Mam sa toilet, kasunod ang isa pang lady bodyguard na naka-barong din. Ito ang tagabitbit    ng kanyang handbag.

Wow, feeling super VIP naman ang COA official matapos ma-promote mula sa pagiging auditor. Ang nasabing opisyal ay usap-usapan sa kanilang tanggapan dahil sumobra naman ngayon ang kaartehan.

Ayon sa aking bubwit, ang COA official na feeling super VIP ngayon ay si Commissioner M. as in Matayog.

 

vuukle comment

AYON

BING ADALIN

COMMISSIONER M

DANNY MU

DAVAO CITY

ED ESPIRITU

FRANCIS LADROMA

HAZEL GADAYAN

IRVING LISONDRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with