^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pulitikong mae-‘epal’ sa nilindol na lugar

Pilipino Star Ngayon

KAHIT saan ay lumulutang ang pulitika --- maski sa mga nilindol na lugar. Gagawin ng mae-“epal” ang lahat para sa kanila ma-credit ang pagbibigay ng relief. Pansariling interes ang kanilang iniisip at hindi ang kapakanan ng mga kawawang biktima.

Mahigit isang linggo na ang nakararaan mula nang maganap ang 7.2 magnitude na lindol sa Bohol at Cebu, subalit marami pa rin sa mga apektadong mamamayan ang hindi pa nahahatiran ng tulong – pagkain, tubig, gamot, damit, tent at iba pang pangu­nahing pangangailangan. Sa isang TV report, may mga liblib na lugar sa Bohol na ang inu­ulam na lamang sa kanin ay asukal. Isang ama ang umiiyak dahil sa pagkaawa sa kanyang mga anak na asukal na lamang ang inuulam. Tulungan naman daw sana sila. Sabi naman ng isa pang umiiyak na babae, nakalimutan na raw yata sila ng pamahalaan.

Ang totoo, ginagawa ng pamahalaan ang lahat nang paraan para makapagdala ng relief goods. Marami ring civic oriented groups ang nagtutulung-tulong para makapagdala ng mga pagkain at gamot. Hindi sila nalilimutan ng pamahalaan.

Ang dahilan kung bakit hindi agad sila makatanggap ng tulong ay dahil sa mae-“epal” na pulitiko sa kanilang lugar. Gusto ng mga mae-“epal” na idaan muna sa kanila ang mga ipapamahaging relief goods. Hindi raw dapat iderektang ipamahagi agad sa mga biktima ng lindol. Sila raw mas nakakaalam sa mga residenteng naapektuhan ng lindol.

Isang halimbawa ay nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga taga-Philippine Natio­nal Red Cross at mayor ng isang bayan sa Bohol. Gusto ng Red Cross na ipamahagi agad sa mga nanga­ngailangan ang dala nilang relief goods. Pero pini­ gilan sila ng mayor. Dapat daw idaan muna sa local officials ang lahat nang relief goods. Ang pagtatalo ng dalawang panig ang naging dahilan para maatrasado ang tulong. Habang may pagtatalo, may mga biktimang kumakalam ang sikmura sa gutom.

Hindi na dapat idaan pa sa local officials ang ipa­mamahaging tulong. Gagamitin lang ito ng mga mae-“epal” na pulitiko para mapabango ang sarili lalo pa’t malapit na ang barangay elections. Maaaring magkaroon din ng katiwalian kung mga local officials ang mamamahagi. Sa pagtulong sa mga nasalanta, dapat agaran ito at wala nang “epal-epal” pa.

BOHOL

CEBU

DAPAT

EPAL

GAGAMITIN

ISANG

PHILIPPINE NATIO

RED CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with