^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Preparasyon, kailangan sa pagtama ng lindol

Pilipino Star Ngayon

ANG sapat na paghahanda sa pagtama ng lindol ang nararapat ipamulat sa mamamayan ngayon. Maaaring dumating ang lindol anumang oras sapagkat ang bansa ay nakahimlay sa tinatawag na ‘‘Ring of Fire’’. Nakapaligid ang mga bulkan kaya laging nasa panganib ng pagyanig. Kung naging handa o naimulat ang mga mamamayan sa Bohol, Cebu at iba pang probinsiya sa Visayas, baka hindi gaano karami ang namatay nang magkaroon ng 7.2 magnitude noong Martes. Sa huling report, nasa 180 katao na ang namatay sa lindol.

Kung dito sa Metro Manila tumama ang 7.2 magnitude na lindol maaaring mamatay ang mahigit 37,000 katao at ang pinsala ay aabot sa P2.4 trillion. Ito ay batay sa pag-aaral na ginawa ng Philippine Institute on Volcanology and Seismology (Phivolcs) PAGASA, Mines and Geosciences Bureau at iba pang government agencies sa tulong ng Australian government na pinamagatang Greater Metro Manila Area (GMAA) Risk Analysis Project (RAP). Ang pag-aaral ay tumagal ng tatlong taon at pinondohan ng Australian government. Malaki ang maitutulong ng pag-aaral para makapaghanda sa pagtama ng lindol sa Metro Manila.

Maganda naman ang sinabi ng Japanese high school teacher na si Seiji Suwa ng Kobe, Japan nang magbigay ng lecture sa Ateneo de Manila University na may kaugnayan sa lindol noong Huwebes. Ayon kay Suwa, ang preparasyon ang pinaka-mahalaga sa lahat. Para raw ma-improve ang disaster mitigation efforts, pinakamahalaga ay paghahanda sa pagda-ting ng lindol at hindi ang pag-react dito. Ayon kay Seiji, nagamit ang kahandaan nila noong tumama ang 6.5 na lindol sa Kobe, Japan noong Enero 1995. Grabe ang pinsala sa Kobe ng lindol. Ngayon, ayon kay Kobe, dahil handa ang mamamayang Hapones sa lindol, kakaunti ang casualties doon.

Pinakamahalaga ang paghahanda sa pagsapit ng lindol. Sa nangyari sa Bohol at Cebu, nararapat paigtingin ng pamahalaan ang pagsasailalim sa earthquake drill lalo ang mga mag-aaral. Ipaalala ang mga gagawin. Kung maaari, isama sa curriculum ang paghahanda at mga gagawin kung may lindol. Dapat mamulat ang lahat dito. Anumang oras, ang lindol ay maaring maganap kaya dapat alerto ang lahat. Huwag magpa-panic.

AYON

BOHOL

CEBU

GREATER METRO MANILA AREA

KOBE

LINDOL

MANILA UNIVERSITY

METRO MANILA

MINES AND GEOSCIENCES BUREAU

PHILIPPINE INSTITUTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with