Tatlong police ng MASA kakasuhan sa military Ombudsman
SINABI ni ex-National Press Club President at Alab ng Mamamahayag national chairman Jerry Yap na sasampahan nila ng mga kasama niya ng kaso sa Office of the Ombudsman for Military Affairs ang tatlong official ng Manila Action and Special Assignment na sina Insp. Manuel Laderas, operation chief at mga kasamahan nitong sina SPO1 Nicanor Zablan at PO3 Salvador Chavez dahil sa tahasan ang ginawang paglabag nito sa umiiral na protocol tungkol sa pag-aresto sa mga miyembro ng media, nang pinasok nila ang National Press Club grounds para ihain ang warrant of arrest laban kina Yap, Gloria Galuno, managing editor ng Hataw newspaper at Edwin Alcala, circulation manager the other day sa Intramuros, Maynila.
Kuwento ni Yap sa mga kuwago ng ORA MISMO, pumasok sa NPC Grounds sina Laderas, Zablan at Chavez dakong 4:00 ng hapon at direktang hinanap ang opisina niya dahil mayroon umano silang ihahaing warrant of arrest.
Ipinakita ni Laderas ang warrant of arrest kay Alcala, pero ipinaliwanag ng huli sa mga pulis na labag sa umiiral na protocol at memorandum of agreement ng NPC, Philippine National Police at Department of Interior and Local Government ang direktang pag-aresto sa mga kagawad ng media.
Sa ilalim ng nasabing MOA, walang sino man na miyembro ng media ang maaaring arestohin o halughugin ang tanggapan o tahanan nang walang pakikipag-ugnayan sa NPC lalo’t ang kaso ay may kaugnayan sa kanyang pagganap ng tungkulin bilang mamamahayag gaya ng asuntong libel.
Ang warrant of arrest na inihain nina Laderas laban kina Yap, Galuno at Alcala ay kaugnay ng kasong libel na inihain ni MPD ANCAR head, Chief Insp. Rosalino Ibay na kasasampa pa lamang sa sala ni Manila RTC Branch 16 Judge Janice R. Yulo-Antero.
Kuento ni Yap, hindi maganda ang timing ng paghahain nina LaÂderas ng nasabing warrant of arrest lalo’t kilala na sila’y mga pulis na direktang nakapailalim sa tanggapan ng Manila Vice Mayor’s Office.
Sabi ni Yap, “pinupuna ko sa aking kolum na Bulabugin ang pagkakaugnay kay Vice Mayor Isko ng isang Madam Arlene, isang decision broker sa hudikatura na kasalukuyang iniimbestigahan ng Supreme Court.
Ikinuento ni Yap na maraming impormasyon ang nakaabot sa kanya tungkol sa mga aktibidad ni Madam Arlene lalo na noong siya ay nasa tanggapan pa ni Vice Mayor.
Sabi ni Yap,. madalas niyang marinig ang pangalan ni Madam Arlene sa Diamond Hotel kasi doon siya madalas magpa-book ng activity tuwing siya ay magpa-party para sa kung kani-kaninong judge at fiscal.â€
Ayon kay Yap, kataka-taka rin umano ang biglang pagyaman ni Madam Arlene gayong wala siyang establisadong negosyo gayon din ang kanyang asawa.
Naniniwala umano si Yap na ang paghahain ng aresto nina Laderas ay may kaugnayan dito at malaki ang intensiyon ng pangha-harass.
Hindi man nagtagumpay sina Laderas na dakpin sina Yap, Galuno at Alcala, malinaw na nilabag nila ang protocol sa ilalim ng MOA ng NPC, PNP, at DILG.
Sabi ni Yap, kinunsulta na nito ang kanilang abogado tungkol sa ginawang paglabag ng mga pulis na sina Laderas, Zablan at Chavez.
Abangan.
Roxas, Uyami binalewala sa jueteng operation sa SPD
TULOY - tuloy ang jueteng operation sa southern part of Metro - Mania kahit na may directive si SILG Mar Roxas kay CIDG Frank Uyami Jr, na hulihin, arestuhin at kasuhan ang mga mahuhuli..
‘Ano ang nangyayari ?’ tanong ng kuwagong sepulturero.
‘ayon binubulag sila !’
Bakit kaya ?
May usapan pitsa kasi.
Naku ha !
Totoo kaya ito ?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang direktiba ni Roxas kay Uyami ay huwag ng papormahin ang mga kubrador, kabo at management ng jueteng sa Muntinlupa, Taguig, Paranaque at Pateros dahil laganap ito dito.
Ika nga, matindi ang financer o bangka !
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, guerilla lamang daw o patalon-talon ang jueteng operation sa mga nasabing lugar pero ito aniya ay kalokohan lamang dahil may tiembre ito sa mga bugok na LGU’s at kamoteng mga police kaya tuloy ang ligaya nila.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang binobolang bulilyo sa Muntinlupa City kaya sinasabi ng mga kamote na walang jueteng doon pero sa kalapit bayan ito inaalog kaya ang mga kubrador at kabo ay aktibo sa pangongolekta ng taya.
‘ano kaya ang masasabi dito ni NCRPO General Garbo at ang bata niyang taga - NCRPO Regional Intelligence ?’ tanong ng kuwagong talunan.
Sagot - wala !
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 14 kubrador ang nahuli sa Muntinlupa City na nagpapataya sa mga sugarol kung ano man ang nangyari sa kanila iyan ang hindi natin alam.
Abangan.
- Latest