^

PSN Opinyon

Lindol naman!

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NILINDOL ang Bohol at Cebu (7.2 magnitude). Nilindol din ang ilang lalawigan sa Kabisayaan at Mindanao. Habang sinusulat ito, 28 na ang patay at karamihan ay mula Cebu. Marami pa ang hinihinalang nadaganan ng mga gumuhong gusali. Napakalakas ng lindol. Sa mga video na ipinadala ng mga Bayan Patroller sa amin, kitang-kita ang pagyanig ng mga kumukuha ng video. At malaki ang pinsala. Wala ring kuryente sa malawak na lugar sa Visayas pati na sa Min­danao. Bukod sa ilang gusali na gumuho may mga lumang simbahan din na nasira.

Siguradong mayayanig pa rin ng mga aftershocks ang mga apektadong lugar, hanggang sa matuwa na ang lupa sa kanyang kinalalagyan. Wala naman daw panganib na tsunami dahil sa lindol, kahit mga isla ang nayanig. Mabuti naman. Pero kapag natapos na ang pagsuri sa mga danyos, magsisimula na naman ang pagsasaayos nito. Imprastraktura ang apektado, kaya dapat maisabalik ang mga ito sa lalong madaling panahon, kasama na ang kuryente. Sana ay wala nang makitang naguhuan.

Ipinakita na naman ng kalikasan ang kanyang lakas, kung saan wala tayong magagawa. Matagal na ring hindi niyanig nang malakas na lindol ang bansa, sa kabila ng halos sunod-sunod na malakas na lindol sa ibang bansa. Ang Pilipinas ay kasama sa tinatawag na “Ring of Fire”, kung saan laganap ang mga bulkan. Talagang tatamaan tayo ng lindol. Malilihis na naman ang bansa sa ilang mga mainit na isyu tulad ng Napoles scam, SSS bonus, pagtanggal ng PDAF at DAP. Sana naman hindi at kailangang matukoy ang mga isyung ito, na tila umepekto na sa popularidad ni President Aquino. Siguradong abala na naman si Aquino at kanyang Gabinete dahil sa lindol na ito, pero hindi dapat pabayaan ang mga nasabing isyu.

 

ANG PILIPINAS

BAYAN PATROLLER

CEBU

NAMAN

PRESIDENT AQUINO

RING OF FIRE

SANA

SIGURADONG

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with