Hindi ba’t binatikos ang ganyang sistema?
SA mga unang SONA ni President Aquino, isiniwalat at binatikos niya ang mga malalaking bonus at benepisyo na natanggap ng mga opisyal ng mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) sa ilalim ng admi-nistrasyong Arroyo. Hindi makapaniwala ang taumbayan sa dali at laki ng mga perang natatanggap ng mga opisyal, tulad ng pagdalo lamang sa miting ay may malaking pera na, mga kaliwa’t kanang benepisyong pera para sa halos lahat ng klaseng okasyon at sitwasyon. Kaya naman kinasuhan ang ilang opisyal hinggil sa mga natanggap na bonus, at itinigil ang nakasanayang sistema.
Ngayon, sa ilalim naman ni Aquino, ang SSS naman ang nalalagay sa parehong sitwasyon. Nakatanggap ng P1 milyon ang bawat board member ng SSS, bukod sa mga P40,000 o P20,000 na natatanggap nila tuwing dumadalo sa mga buwanang miting. Ganun din, kapag sumipot lang sa miting, may pera na rin. Bukod pa iyan sa buwanang sahod na naÂtatanggap. Kaya raw sila nabigyan ng mga bonus, ay dahil naging maganda ang kanilang pagganap umano ng trabaho. Depensa pa ng presidente at CEO ng SSS, tama lang na bigyan ng ganitong mga benepisyo at insentibo, para may pang-akit na magtrabaho na lang para sa gobyerno, imbis sa pribadong sektor. Ganun ba?
Eh bakit hindi ganun ang ibigay na mga bonus sa mga guro ng mga pampublikong paaralan, mga doktor at nurse na nasa mga gobyernong ospital, at iba pang empleyado na nagtatrabaho sa mga institusyon ng estado, para hindi na sila mangibang bansa o magtrabaho sa pribadong sektor? Hindi ba mahirap rin naman ang kani-kanilang mga trabaho? Sila lang ba ang may karapatan mabigyan ng mga malalaking bonus? Kaya naman sumusunod na rin ang mga ibang GOCC at humihingi ng bonus. Hindi ba’t babalik lang sa sistemang binatikos ni Aquino sa kanyang mga SONA? Sa panahon kung kailan ang pondo ng bayan ay masigasig na binabantayan at inaalam kung saan napupunta, ganito ang maririnig ng mamamayan? At hindi lang iyan, itataas pa ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS sa susunod na taon! Masama nga naman ang dating ng ganitong balita para sa mga nagtatrabaho. Kung sasabihin nasa batas ang lahat ng kanilang ginawa, hindi ba ganun din ang depensa ng mga nasasangkot ngayon sa mga anomalya kaugnay ang PDAF at DAP? Na nasa batas naman lahat, kaya nila ginamit ang pondo? Hindi ba ganun din ang dahilan ng ilang senador nang mabigyan ng mga “bonus†mula sa mga natipid umano ng Senado? Anong pinagkaiba nitong SSS bonus? Ang administrasyong nagpapatupad? Napakaraming mga empleyado ng gobyerno na napakahirap ng trabaho, katulad ng mga guro sa panahon ng eleksiyon, mga doktor at nurse sa panahon ng kalamidad at krisis, at mga sundalo’t pulis sa panahon ng karahasan. Wala ba silang mga matatabang bonus din? Hindi na talaga magandang pakinggan ang balita na may malaking halagang natanggap ang opisyal ng gobyerno o mambabatas ng bansa. Hindi na basta-basta tatanggapin ng mamamayan ang ganyang balita nang walang pag-aalma.
- Latest