PDAF, DAF at Holdap
SINISILABAN ng mga kritiko ng Malacanang ang madlang public regarding sa malalaking isyu sa Philippines my Philippines today.
Sabi nga, nakakatakot kung hindi ito maagapan agad ?
Ika nga, baka mag-style Syria ?
Naku ha !
Ano ba ito ?
Tomorrow, sa Makati City, may malaking rally muling gagawin at hindi lamang ang isyu regarding kay Janet Lim Napoles, ang pork barrel queen at pagsisigawan ng madlang pinoy kundi pati ang ‘DAF’ issue.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas matindi pa ang usapin sa DAF kaysa kay Napoles ?
Bakit ?
Kamote, yan ang abangan mo tomorrow sa Makati.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para sa madlang pinoy ang ganitong mga naging sistema PDAF at DAF issue sa gobierno ay isang ‘hol’DAP ?’ Hehehe !
Bakit ?
Nilustay daw ang salapi ng madlang taxpayer pinaghati-hatian diumano kaya naman abot langit ang ngitngit ng madlang pinoy sa administrasyon ni P. Noy at habang tumatagal ang usapin ay may mga naglalabasan pang mga bagong isyu at ang matindi ay panay ang ‘sindi ng apoy’ para lalong maglagablab ang galit ng madlang people sa administrasyon ?
Naku ha !
Totoo kaya ito ?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang sa Makati mangyayari ang gustong isigaw ng ‘bayan’ kundi maging sa mga probinsiya ay puputok ito at para kuestiyunin ang gobierno kung bakit ganito ?
Sabi nga, magpaliwanag !.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan agapan ang lumalaking problemang ito dahil umaalma na halos lahat ng ‘boss’ ni P. Noy sa Philippines my Philippines kaya siguro dapat may sumagot sa isyu kung totoo man o hindi para maliwanagan ang madlang people.
Ika nga, kung may problema man dapat na siguro silang magbitiw sa puesto ?
‘huwag natin silaban ang damdamin ng madlang public dahil pupuede itong mauwi sa mas marahas na pangyayari.’ sabi ng kuwagong rebelde.
‘hindi lang pala P10 billion ang pinag-uusapan natin sa ngayon kundi mas malaki pa ?’ tirada ng kuwagong haliparot.
Abangan.
TRO versus DOF, Biazon sa BOC
MASAMA ang loob ng mga matataas na opisyal sa Bureau of Customs partikular ang mga Collector 5 and Collector 6 dahil balak diumano silang itapon sa Department of Finance.
Sabi nga, ilagay sa ‘floating status o isantabi muna ?’
May mga pumalag dahil nga naman mga ‘carrer’ official ang mga ito at hindi basta naging official dahil sa ‘padrino’ kundi rose from the rank ang karamihan sa kanila.
Sabi nga, nagsunog ng kilay para makuha ang kanilang inaambisyon sa BOC.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsaing este mali nagpetisyon pala ang ibang Customs Collector sa korte para mapigilan ang balak gawin sa kanila. Fifteen ang pumirma para sa TRO ten ang abstain. Hehehe !
‘hindi biro sa mata ng madlang people kapag itinapon ang mga Customs Collector 5 at 6 sa pupuntahan nilang place.’ sabi ng kuwagong mapagsamantala.
Three days ago, nagkausap kami ni Cebu Customs Collector Ed dela Cuesta para sa kapalaran mangyayari sa kanya sa bureau dahil hindi niya gusto ang istilong gustong gawin ng nakakataas.
Sabi ni Ed sa mga kuwago ng ORA MISMO, 9 months pa lamang ako sa Port of Cebu maganda naman ang mga naging accomplishment niya sa Clark customshouse na pinanggalingan nito.
Sa Port of Cebu kahit ilang buwan pa lamang siya nakaupo at kinakapa ang lugar ay nahuli niya ang may 1,000 plus container vans na naglamanan ng mga imported rice na gustong ipuslit.
Ayon kay Ed, binantayan niya ang auction sa mga nahuling imported rice para hindi maloko ang gobierno sa gagawin subasta.
‘Malaking halaga rin ang pumasok sa gobierno dahil sa auction.’ sabi ni dela Cuesta.
Kaya naman laking gulat nito kung bakit siya isasama sa balasahan gayun bagong upo pa lamang siya.
Si Collector dela Cuesta, ay dating Customs police bago ito naitalaga bilang Customs Collector hindi biro ang mga naging karanasan nito sa bureau sa paghuli ng mga epektos, mga droga at pagkuha ng collection.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang madudungisan ang mga pangalan ng mga collector na itatapon dahil parang lalabas sa mata ng madlang pinoy na sila ay mga ‘kurap’ kaya sila niyari.
‘matatandaan noong SONA ni P. Noy sa Kamara ay winakwak nito ang Bureau of Customs kaya naman naging dahilan ito para mag-resign sa pamamagitan ng pag-text sa Pangulo si Customs Commissioner Biazon’ sabi ng kuwagong mang-aahit.
‘dapat kasi irrevocable letter of resignation ang ibinigay ni Biazon sa Malacañang para magkaalaman ng totoo kung talagang good buddy sila ni P. Noy ?’
Abangan.
- Latest