^

PSN Opinyon

P-Noy, nadismaya kay Binay nang sumulpot sa Zamboanga

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang nadismaya si President Noynoy Aquino nang biglang sumulpot si Vice President Jojo Binay sa Zamboanga City?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday kay Jing Dizon, Arnold Arroyo ng DZRH, Boyet Botabara, Lawrence Cabarlo, Zeny Fernandez Andres, Tino Bergonia at Michael Panguito.

Alam n’yo bang hindi nagustuhan ni P-Noy ang biglang pagtungo ni Binay sa Zamboanga City habang may standoff doon? Ayon sa aking bubwit, pati Cabinet members, military at police officers na kasama ni P-Noy ay nadismaya rin sa pagsulpot ni Binay. Mas lalo na si DILG Sec. Mar Roxas na isa sa mga nangasiwa sa paglutas sa Zamboanga crisis.

Hindi pala sila pinapasok agad sa kuwarto na kinaroroonan ni P-Noy nang dumating si Binay kasama ang kanyang anak na si Makati Mayor Junjun. Hinarang sila ng isang opisyal sa Malacañang bago pinapasok sa kuwarto ni P-Noy. Nagalit si P-Noy nang malaman niyang may mga kasama si Binay na isang grupo ng mediamen na galing sa Metro Manila.

Habang umiiwas kasi si P-Noy na malaman ng media kung saan siya nakatira sa Zamboanga City, e nagsama naman ng reporters si Binay. Pinapasok lamang ng isang Malacañang official si Binay sa kuwarto ni P-Noy nang pumayag itong hindi papasukin ang mediamen. 

Ayon pa sa aking bubwit, bagamat sinasabi ni Binay na meron siyang authorization mula kay P-Noy­ para makipag-dialogue kay MNLF Chairman Nur Misuari para lutasin ang Zamboanga crisis, ito ay ayaw namang kumpirmahin ng Malacañang. Ano ba talaga, Kuya?

ARNOLD ARROYO

AYON

BINAY

BOYET BOTABARA

CHAIRMAN NUR MISUARI

MALACA

NOY

P-NOY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with