^

PSN Opinyon

Bagong ‘big bang’?

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Patuloy ang buhay sa ating daigdig

Tayong mga tao’y gumising umidlip;

May araw at gabing laging nagpapalit

Dilim at liwanag laging sumasaglit!

 

Sa lagay na ito ng daigdig ngayon

Ang buhay ng tao ay nagpapatuloy;

May bansang payapa may bansang patapon

Dahil sa  may gyera’t labanang maapoy!

 

Di lahat nang araw ang mundo’y payapa

Dahil ginugulo ng katabing bansa;

Ang ating daigdig na dati’y sagana

Sa dami ng tao’y ubos ang  biyaya!

 

Buong kalawakan ngayo’y iniikot

Nitong ating mundong tila di na bilog;

Dahil nakita n’yang ang ating sinukob

Tayong mga tao ay nagpapanghamok!

 

Dahil sa ganito ang takbo ng buhay

Ang ating daigdig ay nahihirapan;

Hindi niya batid ang kasasapitan

Kung siya’y lalagi sa kaitaasan?

 

Bansang maliliit at bansang malaki

Hindi magkasundo sa maraming parte;

Ang bansang tahimik ay inaatake

Ng bansang magulo at gustong maghari!

 

Sana sa daigdig ang tao’y magbago

Ang puso at diwa maging positibo;

Pag hindi nagbago masasamang  tao –

Isang bagong “big bang” sasapit sa mundo!

BANSANG

BUONG

DAHIL

DILIM

ISANG

NITONG

PAG

TAYONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with