2 SC Justices hiling mag-inhibit
Umapila si Marinduque Rep. Regina Reyes sa dalawang Supreme Court Justices na sila Presbitero Velasco at Lucas Bersamin na mag-inhibit sa paghawak sa kaniyang electoral case.
Si Velasco ay erpat ni Lord Allan Velasco na nakalaban ni Reyes sa congressional race sa Marinduque.
Sabi ni Reyes na natural lang diumano na papaboran ni Associate Justice Velasco ang kanyang anak na tinalo naman ng una ng mahigit sa 3000 na boto last May election.
Ayon kay Rep. Reyes na kumpyansa sya na ngayong dahil nasa HRET na ang electoral case laban sa kanya dahil mas magiging patas na ang paghawak sa kaniyang kaso.
Sabi ni Reyes, inaasahan niya na sa HRET ay mabibigyan na siya ng pagkakataon na ihain ang kanyang mga ebidensiyang nagpapatunay na siya ay isang Pilipino citizen at nairenunsyo niya ang anuman foreign citizenship na nakuha niya noon siya ay nasa US of A pa.
Matatandaan sa hearings ng diskwalipikasyon ni Reyes sa COMELEC at sa SC ay hindi binigyan ng pagkakataon si Reyes na maghain ng kanyang mga ebidensiya.
Sabi ni Reyes, umasa lang diumano sa blog sa internet ng hindi kilalang blogger ang COMELEC para maitsapuera ang una.
Abangan.
Rice smugglers tukoy na
ALAM na daw ng intel community ang mga sinasabing smugglers na manipulator ng price of rice sa Philippines my Philippines.
Naku ha, bakit ngayon lang?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas David ‘bangka’ ang siyang bossing ng rice smuggling kasabwat ang isang alyas Mr. Young na nagsiÂsilbing kolektor at tagabigay ng ‘tara’ sa mga bugok dyan sa Bureau of Customs.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pseudo name lamang ang Alex Sy pero ito ang sinasabing si Mr. Young.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si David /bangka’ ang gumagawa ng mga paraan upang lutuin ang lahat ng sinasabing ‘documentary requirements’ ng mga imported rice para mailabas sa aduana.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iniri-repack ang mga bigas na imported para palitawin itong ‘commercial rice’ para ibenta sa mas mataas na presyo.
Abangan.
JLN scam
MAGANDA ang narinig ng madlang people sa Philippines my Philippines sa pagdinig sa Senado the other day dahil narinig nila ang mga scam na ginawa ni Janet Lim Napoles sa ibinulgar ng sanpit nito.
Kaya naman may mga tumakbo na patungong aboard este mali abroad pala para lusutan kung totoo man ang ikinanta ng sanpit ni Janet.
Hindi birong halaga ang kinita ng mga nagsabwatan dito at ang perang tinanggap ng ilang mambabatas at kanilang mga alalay?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ang pangako ng government ay sa Lunes magkakaalaman na kung sinu-sino ang mga sasampahan ng case problem.
‘Ano ba talaga ang naging ugat ng problema bakit ikinanta si Janet ng kanyang sampit?’ Tanong ng kuwagong kotong cop.
‘Pera!
‘Bakit naman?’
‘May ipinangakong napako siguro?’ Sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Sabi nga, nagkabukulan!
Hintayin!
- Latest