Deceitful pay parking ticket
HINDI garantiya ang mga pay parking area na ligtas ang inyong mga sasakyan!
Kuwidaw! Baka maging kampante kasi kayo sa paniwalang bantay-sarado ito ng mga nakatalagang sekyu at mga namamahala sa lugar.
Marami na kasing insidente ng nakawan sa mga pay parking na hindi na nareresolba o hindi na nahahanap pa!
Ang siste, karaniwang iskrip ng mga namamahala, wala silang anumang pananagutan sa mga nawalang gamit o sasakyan kahit nasa loob pa ito ng kanilang bakuran!
Tangging-tigas nilang rason, nakasulat ito sa mga tiket na ibinibigay nila sa mga motorista na nag-iiwan ng mga sasakyan sa kanilang parking space.
Hindi naman sa sinisira ng BITAG ang mga negosyong nasa linya ng pay parking. Layunin lang ng BITAG na punahin ang mga mapanlinlang na estilo ng ilan hinggil sa insidente ng mga nawalang sasakyan!
Ngayong “ber†months, asahan ng titriple pa ang bilang ng mga masasamang-loob at kawatang magroronda sa mga pay parking para makatangay ng lahat ng maaari nilang madenggoy!
Tandaan, ang mga kawatan, walang pinipiling panahon sa kanilang modus. Basta nakakita ng oportunidad, dala nang matindi nilang pagnanasang gumawa ng krimen, aatake at aatake ang mga ‘yan!
Para hindi mabiktima ng mga kawatan, dapat laging maging listo at alerto! ‘Wag mapasama sa mga nabibiktima ng mga sindikato!
* * *
Sa iba pang tips hinggil sa modus na ito, manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo.
- Latest