^

PSN Opinyon

Mga amba, gob at mayor, mahalin n’yo ang OFWs

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

ANG dalawang panukalang batas na nai-file ko sa Kongreso bilang representante ng OFWs at Pamilya ay ang mga sumusunod:

1. Obligahin ang mga ambassador na gampanan ang tungkulin ng isang parang tunay na magulang sa pag-aaruga at pagkalinga sa OFWs. Halimbawa, kapag may nakakulong o may naoospital na OFW, dapat personal na dinadalaw siya ng Ambassador otherwise anong klaseng naturingang magulang siya kung hindi niya ginagawa ito. Kapag may kaso ang isang OFW na nanganganib mabitay, dapat ang Ambassador mismo ang dumadalo sa kanyang mga hearing para ma-discourage ang mga pulis, fiscal at judge na mailuto ang kaso at magiging “hometown decision.”

2. Obligahin ang mga gobernador at mga mayor, na nabansagan na ng sambayanang Pilipino na mga ama o ina ng lalawigan o lungsod, na ipatupad sa tunay na buhay ng pamilyang OFWs ang kanilang mga katungkulan. Needless to say, when 10 million OFWs leave their homes to work abroad, they leave behind 10 million weakened families and they become vulnerable to all sorts of dangers and abuses like the drug menace, bullying in schools and etc.

Maliban sa dalawang initial house bills,  mayroon pa akong inihahandang 11 pa na lahat ay para rin sa kapakanan o proteksyon ng OFWs at kanilang pamilya, tulad ng: Government regulation ng remittance fees para hindi pinagpipiyestahan ang OFWs ng mga remittance companies sa pagsisingil ng kung anu-anong halaga ng remittance fees; easy loans for retired/returnee OFWs; free chemo and dialysis for OFWs who contract cancer or kidney failure due to job related exposures; educational/financial assistance for orphans/widows or widowers of OFWs; mandatory share of the government in the payment of OFWs’ SSS, Philhealth and Pag-IBIG premiums, etc.

Ang dalawang House bills na sana ay magiging batas ang magiging iilan sa mga batayan kung ang mga amba, gob at meyor ay nagtratrabaho ng sapat o hindi.

 

vuukle comment

HALIMBAWA

KAPAG

KONGRESO

MALIBAN

OBLIGAHIN

OFWS

PAMILYA

PHILHEALTH AND PAG

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with