Appeal ni Rep. Gina Reyes
GUSTO ni Marinduque Rep. Gina Reyes kaya naman umaapela ito kay Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco na mag-inhibit sa paghawak sa electoral protest ng anak nito na nasa House of Representatives Electoral Tribunal.
Si Justice Velasco ang tumatayong chairman ng HRET, at ama ng nakalaban sa katatapos na May 13 elections ni Rep. Reyes sa congressional race sa Marinduque na si Lord Allan Velasco.
Ayon kay Rep. Reyes, nag-aalanganin ang kampo niya na hindi maging patas si Justice Velasco sa paghawak sa kaso lalo na anak nito ang kalaban sa politics.
Sinabi ni Reyes, na umaasa na lamang sila sa anim na kinatawan ng kamara sa HRET para makakuha ng patas na treatement sa case problem.
Nagkaroon ng kaso si Reyes, ng maghain ng disqualification case ang isinasabing isang alyas Joseph Socorro Tan laban kay Grace dahil sa diumano’y pagiging isang US of A citizen, na itinaggi naman nito dahil may hawak daw niya lahat ng evidence na nagpapatunay na siya ay isang natural born Pilipino citizen at ang parents niya ay parehong Pilipino at nirenunsiyo pa rin niya ang kanyang foreign citizenship last Sept. 21, 2012.
Sabi ni Reyes, nagtataka siya, ang pamilya niya, abogado at maging supporters kung bakit hindi siya binigyan ng chance diumano ng COMELEC at ng SC na ihain ang kanyang mga ebidensiya.
Ayon kay Reyes, ang Marinduque ay nagpasya na siya ang gusto nilang kinatawan sa Kamara kaya naman very sad ito kung bakit gustong ibahin diumano ng COMELEC at SC ang pasya ng mga taga Marinduque.
Napag-alaman si Reyes ay lamang kay Velasco ng mahigit 3,800 na boto sa ginanap na Election kahit sa baluarte ni Lord Allan sa Torrijos town ay olat daw ito.
Husay ng PNP inilabas na
MATAPOS ang matiagang pagmamanman sa isang place sa Zambales ay nasungkit ng pinagsanib na puersa ng PNP - AIDSOFT at PDEA ang apat na itlog este mali pinoy pala na nakunan ng 432 kilos ng shabu na may P2.16 billion ang worth,
Kaya naman ipagbunyi natin ang mga kapulisan ni CPNP Allan Purisima sa ginawang drug bust sa Block 10 Lot 5 and 7 Jasmine St., Sta. Monica Subdivision Sto. Tomas, Subic Zambales.
Naghihimas ng rehas mula pa noong isang araw dahil ikinalaboso na ang mga nahulihan na sina Joselito Esqueta, Coronel Disierto, Emmanuel Tobias na pawang taga - ‘sin city’ este mali Pasay City pala at si Dennis Domingo ng Antipolo Rizal.`
Nakuha sa matapos ipaghiwa-hiwalay ang shabu sa 2 balikbayan boxes 100 kilos ang laman ng dalawa, sa 22 traveling bags na may laman ng tig-15 kilos ang bawat isa at isang kilo naman ang nakuha sa isang Toyota Innova na color black na may plakang ASC 77 kumpiskado rin ang isang Nissan Urban na may plakang XBX - 507.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi nahuli ang may 432 kilos na shabu tiyak maraming madlang adik ang tirik ngayon ang mata dahil sa kasisinghot.
- Latest