^

PSN Opinyon

Malaking hamon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA ika-112 anibersaryo ng Philippine National Police (PNP) noong Martes kung saan si President Aquino ang panauhing pandangal at tagapagsalita, inutusan niya si DILG Sec. Mar Roxas na linisin sa “scalawags” ang hanay ng mga pulis. Bagama’t pinuri niya ang kapulisan, lalo na sa ilang matagumpay na operasyon laban sa kriminalidad, hindi pa rin nawala ang kanyang pamilyar na batikos at pagpuna sa mga kakulangan nito, at nagbigay na ng personal na babala sa mga magpapatuloy sa kanilang pagiging kampon ng dahas, imbis na alagad ng batas. Ang kagagawan daw ng ilan, pinagbabayaran na ng buong institusyon.

Mabuti at hindi naman pinalampas ni Aquino ang mga pagkukulang ng PNP, kahit anibersaryo pa nila. Ang paninita sa mga ahensiyang nagkukulang sa kanilang pamamalakad ay karaniwan na sa Presidente. Pero ang gusto kong malaman ay gaano ba karami ang scalawags na iyan? Sila ba ay bilang, o sila ba ang marami? Naniniwala ako na may mga pulis na tapat at dedikado sa kanilang tungkulin. Pero sila ba ang minorya, imbis na mayorya? Kung inutusan na ni Aquino si Roxas na purgahin ang scalawags, may matira kaya sa PNP?

Wala nang sasama at dudumi sa pulis na sangkot sa kriminalidad. Parang doktor na pumapatay ng tao, o abogado na pinaiikot lang ang batas. Malaking trabaho at hamon ang hinaharap ng DILG. Nabanggit ko na noon na tila may sindikato sa PNP mismo, kung saan ang kanilang kilos-kriminal ay organisado. Magtataka pa ba kung bakit mabagal ang pag-usad ng kaso laban sa mga pulis na sangkot sa Atimonan massacre?

Walang may mas gusto pa ng tapat at malinis na pulis kundi ang ordinaryong mamamayan. Sino pa ang kanilang lalapitan kapag nangailangan na ng tulong? Ang mahirap, kapag nilapitan mo, baka may kasama pang kapalit! Ito ang mga kailangang matukoy ng DILG kung talagang lilinisin ang hanay ng PNP, para gumanda na rin ang imahe. Kung hindi, sa susunod na taon, magiging pareho lang ang talumpati ng Presidente. Iyan ay kung walang bagong Atimonan at bagong Cadavero!

vuukle comment

AQUINO

ATIMONAN

BAGAMA

CADAVERO

KUNG

MAR ROXAS

PERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with