^

PSN Opinyon

(Un)due process sa disqualification case ni Marinduque Rep. Gina Reyes?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Matalinghaga talaga ang gulong ng hustisya sa Philippines my Philippines. Kung minsan ito ay  sobrang bagal napara bang nabahura na dahil sa tagal bago madesisyunan ng korte ang isang kaso.

Sabi nga, it takes time.

Kaya lang kung minsan naman sa hindi maipaliwanang na dahilan ay napakabilis na halos hindi pa namamalayan ng mga litigant eh tapos na pala ang case problem nito !

Kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ganito ang nangyari sa “disqualification case” laban kay Marinduque Rep. Regina Reyes na halos sa isang iglap ay tinapos ng Commission on Election at ng Korte Suprema.

Kung ang Chief Kuwago ang tatanungin sa bilis ng pagkaka-resolve ng case ay wala akong tutol bagkus ay hanga pa nga ako dahil  dapat naman lahat ng korte ay ganoon kabilis umaksyon sa bawat kasong isinampal este mali isinampa pala sa kanila. 

Kaya lang may mga puntos lang sa nasabing kaso na hindi ako sumasang-ayon.

Para sa kaalaman ng mga reader ng ORA MISMO,  si Rep. Regina Reyes ay tumakbo at nanalo sa pagka-kongresista ng Marinduque noong nakaraang halalan May 2013, laban sa kay incumbent Rep. Lord Allan Jay Velasco,  son ni  SC Associate Justice Prebisterio Velasco.

Masasabing “convincing” naman ang pagkapanalo ni Reyes na lumamang pa ng mahigit sa 3,800 votes sa incumbent na si Velasco.

 Maski pa nga sa hometown mismo  ni Velasco sa Torrijos ay nilampaso rin sya ni Reyes.

Ang problema ay umentra ang Kamote este ang Comelec En Banc at dinis-qualify si Reyes dahil sa complaint ng isang Joseph Socorro Tan na ang tanging  pinag-basehan ay ang isang blog na nabasa nito sa internet na umano’y U.S. citizen si Reyes.

Ayon sa “un-verified” blog, si Reyes diumano’y bumiahe last June 30, 2012 na ang gamit ay isang U.S. passport.  Ang nasabi ding blog ay nagpapakita ng isang certification na umano’y nagmula sa Bureau of Immigration  na nagpapa-totoo sa naunang alegasyon.

Kaya lang ang hinanakit ni Reyes sa Comelec at pati na rin sa SC, ay kung bakit kinatigan nila ang complaint na hindi man lamang siya binigyan ng pagkakataon upang sagutin ang alegasyon o makapag-pakita ng kanyang ebidensya na magpapa-sinungaling sa akusasyon ni Joseph Socorro Tan.

Dapat din siguro – at ito naman ang punto ni Comelec Chairman Sixto Brilliantes sa kanyang dissenting opinion sa desisyon ng  mayorya – ay birepikado ang mga dokumento isinumite tulad ng BI certification bago ito tanggapin ng isang valid na ebidensya.

Hindi naman siguro made-delay ng matagal ang kaso kung ang mga nasabing dokumento ay for verification muna ng mabuti bago pagbasehan ng isang desisyon na makakaapekto sa karapatan hindi lamang ni Rep Reyes, ngunit pati na rin ang humigit 52,000 mamamayan ng Marinduque na bumoto sa kanya.

Si Reyes ay isang natural-born Pilipino kaya lang nag-acquire sya ng U.S. citizenship matapos magpakasal sa US of A  subali’t ni-renounced niya ito last  Sept 21, 2012 at muling na nirahan kanyang tinubuang bayan ng Marinduque.

Smugglers naghihintay ng rigodon sa BOC para magbalasahan din sila

WAIT and see ang mga bigtme smuggler sa mangyayaring palitan sa Bureau of Customs dahil nakahanda naman silang tumalon sa mga lugar na may kasangga silang bugok na opisyal sa aduana. Hehehe !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, habang nagkaroon ng close door meeting last Friday sa isang office sa pier sa pagitan nina BOC Commissioner Ruffy Biazon at lahat ng kanyang koleksyon este mali collector pala sa lahat ng customshouses sa Philippines my Philippines ay nagsibatan naman ang mga bigtime smuggler para mag-meeting sa Hongkong upang pagusapan kung ano ang kanilang gagawin para malansi nila ang gobierni ni P. Noy. Hehehe !

Hindi nagbigay ng detalye ang asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ano ang napagpulungan sa Hongkong.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang magla - lie- low muna ang mga bigtimr player na magpasok ng kanilang shipments dahil sa sobrang init sa BOC ngayon panahon mula ng sabunin ni P. Noy sa kanyang SONA kung saan kumukuha ng kapal ng mukha ang mga kamote opisyal sa bureau .

‘May nangyari ba sa imbestigasyon sa nahuling 1000 container ng imported rice sa Cebu ?’ tanong ng kuwagong    retired general .

‘Meron naman naging akyon si Biazon pinasubasta.’

‘Yong mga sabit tulad ni Penguin na nakipagkutsabahan sa limang grupo ng smugglers ?’

Kamote, yan ang itanong ninyo sa mga pa bright-bright .

Abangan.

ISANG

JOSEPH SOCORRO TAN

KAYA

KUNG

MARINDUQUE

NAMAN

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with