^

PSN Opinyon

Pagmimina ng Chinese sa Zambales pinahinto

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HININTO ang unti-unting pagsakop ng China sa Zambales — sa ngayon.

Naglabas ang Korte Suprema ng TEPO (temporary environment restraining order) sa 94 na minahan ng nickel sa Sta. Cruz at Masinloc, Zambales. Hindi bababa sa lima sa mga kunwari’y maliliit na minahan ay pag-aari ng tatlong dambuhalang kumpanyang Chinese (balikan Sapol, 23 July 2013).

Pilipinas ang pangunahing sanhi ng China ng nickel. Sangkap ang metal sa paggawa ng China ng hi-tech na gamit pandigma at pang-espiya, na pang-sabotahe naman sa ekonomiya at militar ng Pilipinas.

Sinakop ng China nu’ng 2012 ang Bajo de Masinloc shoal, 124 miles mula Zambales, pero 800 miles mula sa pinaka-malapit na Hainan province ng China. Nauna rito, pinasok ng China ang mainland Masinloc at Sta. Cruz, Zambales, para magmina ng nickel.

Nagkakasakit sa baga ang mga mamamayan dahil sa dumi na dala ng dinamita, alikabok, putik, at dump truck emissions. Nakakalusot ang mga Chinese sa pamamagitan ng panunuhol sa mga makabagong Makapili -- mga Pilipinong dummies nila at opisyales ng gobyerno.

Pinatungkulan ng TEPO ng SC sina Zambales Gov. Hermogenes Ebdane at Secretary of Environment and Natural Resources Ramon Paje. Si Ebdane kasi ang nag-isyu ng 94 na small-scale mining permits sa loob ng isang araw lang nu’ng July 12, 2011. Labag sa People’s Small-Scale Mining Act of 1991 ang mga inisyu, dahil nasa labas ng Minahang Bayan ng probinsiya. Si Paje naman ang nag-isyu ng DENR memo na ginamit ni Ebdane na batayan sa permits. Sa baluktot na memo ni Paje, pinayagan ang governors na magpamina miski sa labas ng Minahang Bayan, sa ilalim ng isang wala nang bisang Marcos presidential decree.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

 

vuukle comment

CRUZ

HERMOGENES EBDANE

KORTE SUPREMA

MASINLOC

MINAHANG BAYAN

PILIPINAS

SAPOL

SECRETARY OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES RAMON PAJE

SI EBDANE

ZAMBALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with