May kakayahan pa kaya?
HINDI na naghintay pa si Customs Commissioner Ruffy Biazon. Pagkatapos ng talumpati ni President Aquino sa kanyang ika-apat na SONA, agad inihandog ang kanyang boluntaryong pagbitiw sa tungkulin, dahil ang kanyang kawanihan ay isa sa tatlong ahensiya na binanggit ng Presidente na tila mahina sa reporma o walang pagbabago. Hindi na niya hinintay ang sinapit ng pinuno ng National Irrigation Administration, na tinanggal sa pwesto dahil hindi nasiyahan sa kanyang pamamalakad sang-ayon sa programa ng Presidente. Wala pang balita sa pinuno ng Immigration, isa rin sa mga binatikos na kawanihan sa SONA dahil sa mga nakatakas na mga suspek sa iba’t ibang krimen. May mga ebidensiya pa na sila’y sinamahan pa ng ilang opisyal ng Immigration para makalabas nang walang aberya.
Pero hindi tinanggap ni Aquino ang pagbitiw ni Bia- zon. Sa halip ay sinabing may tiwala pa siya sa kanya, at naiintindihan ang hirap ng kanyang nakaatas na trabaho. Naghain na rin ng pagbitiw si Deputy Customs Commissioner Danilo Lim, na sumang-ayon naman sa mga binanggit ni Aquino sa kanyang talumpati. Hindi pa alam kung tinanggap ng Presidente ang kanyang pagbitiw. Kung hindi naman tinanggap ang pagbitiw ni Biazon, sino ang pinatatamaan ni Aquino sa Customs? Malamang lahat. Dapat gumulong na ang mga ulo ng mga kilalang tiwali sa kawanihan.
Mahirap na talagang magkaroon ng reporma sa Customs, kung saan ang kultura ng korapsyon ay naÂpakalalim na ng mga ugat. Tila ang paniniwala na kapag binunot mo naman ito, mamamatay na ang ahensiya. Kapag wala nang kumita sa Customs, baka wala nang magtrabaho, ganun ba? Para bang banta ng pulis na kapag sila’y la-ging may paratang at pasaring ay mawawalang-gana na lang sa trabaho?
Alam ng Presidente ang hirap ng trabaho sa Customs. Pero hindi rin puwedeng tanggapin na lamang na ang kawanihan ay hindi na malilinis. At sa aking palagay, ang pagbanggit ni Aquino sa mga pagkukulang nito ay senyas na para sa mas matinding laban sa korapsyon. Gamitin na lahat ng kakayanan ng gobyerno para labanan ang katiwalian, kung talagang kaya nila. May pagkakataÂon, panahon at kakayanan ba ang pamunuan ng Customs na ayusin at linisin ito? O baka sa susunod na SONA ay nasa “horror list†pa rin sila?
- Latest